Entry 31 ( Unusual Eyes )

59 1 0
                                    

Jannica's Pov:

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ngunit napapikit din ako dahil sa pagkasilaw. Argh.. Bakit pakiramdam ko ang bigat-bigat ng katawan ko saka ang sakit-sakit?

Iminulat ko ulit ang mga mata ko at sa wakas ay bumulaga sa akin ang ..

"Wahhhh!!"

Napabalikwas ako bigla dahilan para magkaumpugan kami. Sino ba namang hindi magugulat kung makikita mo ang malaking octopus na may weird na suot na sumbrero ng nurse. May suot din siyang damit na pang nurse at feeling ko ay girl siya dahil nakapalda sya??

"No need to shout, girlie! Masakit sa eardrums," sabi ng nurse na octopus habang nakatakip sa tenga niya ang isa sa mahaba nitong galamay.

"P-Pasensya na po. N-nagulat lang po talaga ako," pilit ang ngiting sabi ko kahit ang totoo ay natakot talaga ako nang makita sya. Di ko ineexpect na makakakita ako ng octopus na nurse sa tanang buhay ko. Hindi naman syempre normal sa akin ang makakita. I mean para sa mga normal na tulad ko, di normal sa amin makakita ng ganun. (T_T)

"Maybe your just still trauma about sa nangyari sayo kahapon. Oh well, girlie. Iche-check ko na lang ulit ang kalagayan mo mamaya kasama na si Dok, okie?"

"O-okie po. Thanks po."

Nang makaalis ang nurse, agad akong nakahinga ng maluwang. Nang tumingin ako sa bintana sa tabi ng kama ko, kitang-kita ko ang maze mula dito sa taas. Siguro nasa 10th floor ako ng clinic. Bigla ko tuloy naalala si Sehun. Kung kahapon pa ako nandito, anong nangyari sa akin kahapon? I mean, sa amin ni Haru? Nakasali ba kami sa next round?

"Jannica."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng lalaki.

"Haru!" Nakangiti kong sabi nang makita ko siyang may hawak-hawak na isang basket ng prutas na agad niyang inilapag sa tabing mesa ng kama ko. Agad siyang naupo sa gilid ng kama ko.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Seryosong tanong ni Haru sa akin. Nagkibit-balikat naman ako saka ngumiti.

"Okay naman. Medyo masakit lang yung katawan ko pero keri lang naman. Ikaw? Kamusta ka? Napuruhan ka ba nila Anne?" Nag-aalalang tanong ko kay Haru. Naalala ko kasi yung ginawa sa kanya ng kambal kaya naman hanggang ngayon ay nakararamdam ako ng galit.

"Wala ka bang naaalala kahapon?"

"Alin? Yung hinimatay ako aftr kitang makitang masaktan nila-"

"Hindi ka hinimatay, Jannica. Lumaban ka pa sa kanila."

Napatigil naman ako bigla sa sinabi ni Haru. Para akong nabingi bigla sa sinabi niya.

"Anong hindi hinimatay? Saka nakipaglaban? Nagjojoke ka?"

"Hindi mo talaga natatandaan?"

"Eto namang si Haru, masyado kang joker. Alam mo yun? Paano ako makakalaban eh after nga kitang makitang sinaktan nila, hinimatay na ko."

Hindi naman sumagot si Haru. Ang weird naman nitong emo na to. Pero nagaalala talaga ako sa kanya. Mga bwiset kasi yung kambal na yun. Sarap bawian.

"Alam mo bang nasa 11 th floor lang ang kambal?"

"Ha? You mean napuruhan ko sila?"

"Yes."

"Ayoko silang dalawin. Masama pa din loob ko sa ginawa nila sa atin."

"Jannica, actually.."

Biglang pumasok ulit si octopus nurse na may dalang wheelchair.

"Tara. Dadalhin kita ka Dok. Titignan daw nya kalagayan mo."

Luh! Nandito na naman siya. T.T

"Ah, sige po. Haru, ituloy na lang natin pag-uusap natin next time ha? Papacheck lang muna ako kay Dok," nakangiti kong sabi habang inaalalayan ako ni Nurse Octo (in short for octopus) na makasakay sa wheelchair. Ang galing ni Nurse Octo. Dahil sa dami ng galamay niya, parang walong tao ang tumutulong sa akin. I mean, anim lang pala kasi yung dalawa ay gamt nya bilang paa.

"Sige, Jannica. Uuna na din ako. Pagaling ka. Madami pa taung pag-uusapan," makahugang sani ni Haru. Tumango lang ako na naging hudyat nya upang makalabas sya ng clinic. Weird lang ba talaga si Haru o sadyang weird lang talaga? (Ano daw? XD )

Haru's Pov:

She doesn't know. She still doesn't know. Bakit di niya alam?

Naglalakad ako paalis ng clinic na ito nang masalubong ko ang buong grupo ng EXO at syempre pinangungunahan sila ni Sehun. Nagulat na lang ako ng tumigil sila sa harapan ko. Kaya naman madaming curious na matang nakatitig sa kin.

"Is Jannica's okay?" Nag aalalang tanong ni Kai sa akin. Tumango naman ako bilang tugon.

"Those girls! I will rip their limbs later!" Gigil na sabi ni Sehun.

"Chill, Sehun. It's just an activity," sabi ni Tao.

"Yeah, pero sumobra lang talaga yung dalawang babaeng iyon. Remember? Muntikan na din nilang patayin si Jannica before?" May halong inis na sabi ni Chen.

"Oh siya. Tama na at pumunta na tayo sa taas para malaman ang kalagayan ni Jannica," sabi ni Xiumin. Bago pa sila umalis lahat ay tumigil sa harapan ko si Sehun at tinapik ang balikat ko.

"Salamat sa pagprotekta sa kanya habang wala ako," seryosong sabi niya saka bumalik sa paglalakad papunta kay Jannica. Wala sa loob na dumaretso ako sa paglalakad.

No one know what happen. I'm the only one who saw everything. The only one who saw Jannica's unusual Eyes.

Bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon.

Unti-unting tumayo ako mula sa pagkakahiga. Hindi naman ako masyadong nasaktan dahil nakita ko naman na sasaktan ako nung babaeng iyon kaya agad akong nakadepensa ng maayos. Napansin kong nakatingin ang lahat ng tao sa paligid. Pinapanood nila ang ginagawa ng kambal kay Jannica. Bakit walang tumutulong? Hindi ba nila nakikita na may balak nang patayin ng kambal si Jannica?

Nang tumingin ako kay Miss Erika, seryoso lamang siyang nakatingin. May mga ilan-ilan na gustong tumulong ngunit di naman sila makakapasok sa loob ng battle ground hangga't hindi tinatanggal ni Miss Erika ang barrier. Bakit nga ba hindi niya tinatanggal ang barrier?

Nang lumingon akong muli kayla Jannica ay kitang-kita ko kung paano itaas ni Anne ang nag-aalab niyang kamao pasuntok kay Jannica. Ngunit kitang-kita ko kung paano tumigil si Anne sa pagsuntok kay Jannica nang muling magmulat ng mga mata si Jannica ngunit sa pagkakataong ito.. Iba na ang kulay ng mata nya?

Animo'y nakakita ng multo si Anne dahil bigla na lamang siyang umatras palayo kay Janica. Naging dahilan naman iyon upang bumangon si Jannica at sugurin ito. Napansin ko ang kakaibang lakas ni Jannica mula sa kinatatayuan ko. Di ko maintindihan ngunit ni hindi man lang bumawi si Anne. Nang akmang tutulong si Anna sa kakambal ay napatigil din ito nang makita si Jannica. Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Jannica ang kambal na naging hudyat naman upang mawala ang barrier. Bago pa tuluyang mabugbog ng husto ang kambal ay nawalan bigla ng malay si Jannica. Marami ang tumulong sa kanila at maging sa akin.

Mabilis akong umalis sa ospital na iyon. Madami pa akong dapat malaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO  Hearthrobs  in  Hailome  UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon