PROLOGUE

136 10 0
                                    


"Sigurado ka bang nariyan pa si Asher sa kanila? Baka kasi may lakad 'yon ngayon," sabi ko habang naglalakad kami ng kaibigan kong si Herza rito sa gilid ng kalsada. Alas tres na ng hapon at papunta kami sa bahay nina Asher dahil balak naming tumambay doon tulad ng lagi naming ginagawa kapag wala kaming magawa sa bahay namin.

"Are you nahihibang na ba? Where naman s'ya pupunta? Tayo lang kaya close niya, shems ka!" Tawa pa nang tawa itong kasama ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng yellow na gate. Siya na ang nagbukas nito at nang pagpasok namin ay natigilan agad kami nang makita namin si Asher na lumabas ng bahay nila at mukhang bihis na bihis. Nakasuot ito ng dilaw na polo, black slacks at black shoes.

Putek. Sinasabi ko na nga ba may lakad 'to!

"Ang g'wapo natin ngayon, Asher, ah? Saan ang lakad mo?" salubong ang kilay na usal ko rito upang mapansin kaming dalawa ni Herza. Mukhang nagmamadali ito at nang mapatingin sa amin ay hindi na rin ito nagulat.

Normal na kasi sa 'ming magkakaibigan na magkita-kita kapag walang pasok.  Tumatambay lang kami sa kanila at nanonood ng mga bagong labas na movies. Kung may homework o group activities naman kami ay dito na rin namin sabay-sabay na tinatapos. Halos kung ituring na rin kami ng mama niya'y parang anak, minsan naiinggit pa 'tong si Asher kasi mas paborito kami ni Herza ng mama niya. Nag-iisang anak lang kasi siya at gustong-gusto pa naman ng mama niya na magkaroon ng babaeng anak kaya ayon.

"Haha. Gogu. Bagong silang pa lang ako alam ko ng pogi ako." Natawa naman kami at binatukan pa ni Herza ang lalaki.

"Aray— Herza naman! Ang bigat ng kamay mo nabali na yata leeg ko gogu naman!"

"Shems ka kasi!  Bakit 'di mo ni-said sa 'min ni Heart na may lakad ka today? Nag-walk pa kami papunta here sa wala, ungas ka!"

"Haha. Sorry naman." Umastang nagsisi ito bago himas-himasin ang  kanyang chin at napatango-tango pa habang nakatingin sa amin ni Herza.

"Putek. Mukha kang kriminal," utas ko.

"Sakto lang ang dating niyo," saad ng lalaki habang tinutupi ang manggas ng sleeves hanggang braso, hindi pinansin ang sinabi ko kanina. Pinasadahan niya kami ng tingin mula ulo hanggang paa at bigla na lang natawa.

"Saan pala P.E n'yo?"

Sa yamot ay nahampas ko ang braso niya kaya napadaing siya!

Bakit kasi pareho kaming nakasuot ng jogging pants ni Herza?!

"Seryoso nga, saan punta mo?" astang naiinip na tanong ko.

"D'yan lang sa bahay ni Montixerde, 'yung bagong lipat lang no'ng nakaraan."

Ano'ng gagawin namin do'n? May ka-close ba 'tong mokong na 'to do'n?

Nagulat na lang kami ng hawakan niya ang kamay namin ni Herza. "Tara na, baka late na tayo."

Ha?!

"Ano—"

Hindi na ako nito pinatapos dahil hinatak na kami nito papunta kung saan!

"Putek ka, Asher! Hinay-hinay naman at baka madapa ako!" reklamo ko rito. Kumpara kasi sa amin ni Herza na maliit lang ay ang tangkad ng lalaking 'to. Malalaki 'yung hakbang ng mokong!

"Huwag kang mag-alala, kapag nadapa ka tatawanan lang kita."

"HOY! Putek ka talaga! FO na tayo mokong ka!" Galit na galit na sigaw ko pero tinawanan lang ako ng dalawa?!

Walking distance lang naman ang bahay ng may birthday na tinutukoy ni Asher kaya fifteen minutes na paglalakad ay nakarating kami sa bungad ng malaking golden gate.

"Shems. Why didn't you tell us na mansion pala pupuntahan natin?Nakapagpalit sana kami ni Heart!" asik ni Herza habang pare-pareho pa din kaming namamangha sa nakikita.

"Asher, bakit pala mayro'ng handaan dito?" tanong ko habang dumudungaw ako sa loob. Dito pa lang sa labas ay nasisilip na kung gaano kagara at kaganda ang mansion, halatang mayaman ang may-ari nito. Obvious ding may mga bisita sa loob dahil sa mga nakaparadang bike, motor, tricylce at kotse sa malawak na espasyo ng green field bago ka tuluyang makarating sa bungad ng mansion.

"Birthday ng transferee sa school. Lalaki tapos magiging kaklase natin."

"What?! July 8 na today, right? P'wede pa bang lumipat ng school?" tanong naman ni Herza.

"Tanga. Makaka-transfer ba sa school natin 'yung lalaki kung bawal?" sarkatikong sagot ni Asher kaya naman ay nahampas siya ng babae sa braso.

"Shems ka. I'm just asking lang naman!"

"Gogu ka naman para 'di malaman ang obvious."

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may dalawang guard mula sa loob ang nagtanong sa amin kung ano'ng pakay namin. Nagulat pa nga ako nang may ipakita si Asher na invitation card kaya pinagbuksan kami ng gate at magiliw na pinapasok.

"Ang gara, binigyan ka pala ng invitation? Close kayo ng may birthday?" tanong ko habang naglalakad kami rito sa green field, palapit sa mansion. Napahanga rin ako nang makita ang isang malaking fountain na nagbubuga ng crystal clear na tubig sa tapat ng mansyon.

"Ang totoo niyan, 'yung nanay no'n ang nagbigay kay mama ng invitation nang malaman nito na magiging kaklase ko 'yung anak niya," paliwanag ni Asher.

Nanlaki ang mga mata ko at 'di makapaniwalang napatingin sa kaibigan!

"Putek?! 'Di mo close 'yung may birthday?!" asik ko kaya napapakamot batok na lang ito at napangiti.

"Oo, e hehe—aray ko!"

Ayon nabatukan ni Herza. Parang umuusok na nga ang ilong nito sa galit.

"Ang lakas ng loob mong ayain kami here, eh, you're not close naman pala sa may birthday! Shems ka!"

"Ano naman? May pagkain, eh."

Natawa na lang ako sa sagot ni Asher. Samantala ay sunod-sunod naman siyang nahampas ni Herza, panay naman ang salag niya rito.

Ilang saglit pa ay nakapasok na kami sa loob ng mansion at bumungad sa amin ang magarang party dito sa main hall! Namataan ko agad ang may disenyong lamesang mahaba na punong-puno ng iba't ibang putahe ng pagkain at desserts. Kaaya-aya rin sa mata ang kulay mint green designs na alam kong dinisenyo lang para sa kaarawan ng lalaking si Montixerde ngayong araw. May mga table ring nagkalat na good for four at nakakatuwa ang disenyo ng mga upuan, tsaka may flower base din bawat lamesa, halatang mamahalin at bagong pitas lang ang mga bulaklak!

"Woah..." manghang bulong ko habang nililibot pa rin ang tingin.

Ang ganda ng ambience rito, parang ayaw ko ng umuwi. HAHAHAHAHA!

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon