Chapter 6

74 6 0
                                    


Ala una y medya nang hapon, masakit sa balat ang sikat ng araw sa labas pero nagpasya pa rin akong lumarga na matapos kong magpaalam kay mama. Nakasuot ako ngayon ng red shirt, blue ripped jeans at puting sapatos.

Inayos ko ang pagkakasuot ko ng aking  asul na sumbrero at pagkakasukbit ng bag ko habang naglalakad papunta sa kalsada para mag-abang ng tricycle. Maliwanag na maliwanag ang paligid, kitang-kita ko kung paanong isayaw ng hangin ang mga dahon, puno't halaman sa ilalim ng kulay asul at malinaw na kalangitan. Masarap din sa pakiramdm ang malamig na simoy ng hangin.

Pupunta ako ngayon kina Asher at doon daw kami mag-uusap-usap tungkol sa gagawin naming project sa Music, walang pasok ngayon at araw ng sabado.

Inabot din ako ng ilang minutong nakatayo sa tabi ng kalsada at bilad sa init bago ako tuluyang makasakay ng tricycle. Naramdaman kong umaandar na ang aking sinasakyan nang biglang tumawag si Herza at sinabing mauna na raw ako kina Asher dahil maliligo pa lang daw siya. Alam kasi nito na kapag magkikita-kita kami'y sa kanila muna ako unang pumupunta para sabay na kami papunta kina Asher. Mabuti naman at kasasakay ko lang din kaya imbis na sa kanila ay diretso na kina Asher ang sinabi kong lugar sa driver nitong tricycle.

Matapos ang ilang minuto ay natanaw ko na mula rito ang bahay nina Asher. "Diyan na lang po ako sa may kulay dilaw na gate manong," sabi ko habang nakatingin sa daan. Narinig din naman agad ako ni manong dahil tumigil nga ang tricycle kung saan banda ang itinuro ko.

Sa lakas ba naman ng boses ko, bakit 'di ako nito maririnig? HAHAHAHA.

"Salamat po," usal ko pagkababa ko at inabot sa driver ang bayad. Matapos nito ay pinagmasdan ko munang umandar ulit ang tricycle hanggang sa palayo na ito nang palayo.

Ngumiti ako at excited akong humarap sa gawi kung nasaan ang gate. Akmang bubuksan ko na sana ito nang may mapansin akong isang lalaki na nakatayo sa gilid ng puno ng mangga at ilang metro ang layo mula rito sa kinatatayuan ko.

Nagmumukha siyang model ng branded na damit sa suot niyang black hoodie na bagay sa kaniyang black jeans, nakasuot din siya ng itim na sumbrero. Nakatingin siya sa opposite na direksyon kung nasaan ako kaya alam kong hindi pa 'ko nito napapansin.

Sino naman kaya 'tong lalaking 'to? Ano'ng pakay niya rito?

Mukhang naramdaman nitong may nakatingin sa kaniya kaya luminga-linga siya hanggang sa mapatingin siya sa direksyon ko.

Biglang naningkit ang mga mata ko, hindi ko masiyadong maaninag ang mga mata niya at nakasilong siya sa lilim, siguro dahil din sa suot niyang sumbrero.

Ilang sandali ang lumipas, dahan-dahan siyang naglakad paabante dahilan para matamaan siya ng sikat ng araw. Nanlaki ang mata ko nang agad ko siyang nakilala!

"G-Garithel?!" Napahawak pa 'ko sa 'king dibdib sa gulat.  "Ano'ng ginagawa mo riyan?!" hindi makapaniwalang tinitigan ko siya!

Kanina pa ba siya riyan? Ang pagkakaalala ko'y nabasa ko ang chat niya sa GC namin kanina na on the way na raw siya at na sa bahay pa 'ko nang mga oras na 'yon!

Hindi siya nagsalita kaya sunod-sunod akong napakurap!

'Wag mong sabihin na nahihiya siyang pumasok sa loob na siya lang mag-isa?!

Napalingon ako sa gate at sinilip ang bahay nina Asher bago ko ibalik ang paningin sa kaniya at malakas na natawa. Walang kibo na binaling naman niya ang kaniyang tingin sa ibang direksyon. 

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon