"Ate, patayin mo na lang ang ilaw dito sa sala 'pag tapos ka na, ha?" rinig kong sabi ni mama bago ito pumasok sa kuwarto. Alas nuebe na nang gabi kaya't tahimik ang paligid at kulay uling na ang tanging matatanaw mo sa labas kung 'di lang dahil sa liwanag ng mga street lights.
"Opo, Ma. Malapit naman na po 'kong matapos dito," sagot ko habang gumagawa ng report na ipe-present namin ng mga ka-grupo ko bukas.
Pagkalipas ng ilang sandali ay sa wakas natapos din ako sa ginagawa. Inilapag ko ang tatlong manila paper sa study table at pinicture-ran muna ito bago maingat na tinupi. Matapos ay ni-send ko sa mga ka-grupo ko ang mga litrato at nag-iwan ng mensahe.
'Guys aralan niyo 'yan. Kahit na groupwork 'to, individual daw ang grading bukas. Laban lang!'
Agad akong nag-out matapos nito. Nilapag ko ang phone ko sa mesa. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga at saglit na napatitig sa magulo kong study table bago ko sinimulang ayusin ang mga gamit ko.
Habang abala sa ginagawa ay biglang tumunog ang telepono, senyales na may tumatawag. Tiningnan ko 'to at nang makitang si Herza ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.
"Hello?"
(Hello, Heart, bhie? Are you busy ba ngayon?)
Kumunot ang noo ko nang makarinig ng tunog ng tambutso sa kabilang linya.
"Ano 'yang ingay na naririnig ko? Nakasakay ka ba ng motor?"
(It's tricycle, girl. Galing akong sentro, I want to cook something kasi so bumili ako ng available pa sa store na pwedeng i-cook. Hihi."
"Pauwi ka na?" tanong ko.
( Yah. Are you busy ba? )
"Hindi na, katatapos ko lang gumawa ng report. Bakit?"
(I saw Ram kasi)
Pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan niya'y umusbong ang tuwa sa dibdib ko.
"Saan?" nakangiti kong tanong.
(Actually, pagkadaan nitong tricy sa park, I saw him sitting in a bech. Ano, girl? Go to him na, it's your chance to talk to him alone! Hihihi)
Napangiti ako sa narinig. "Sige sige. Salamat, Herza."
( You're welcome, bhie! Sige na, bye bye na muna. Balitaan mo 'ko, okay? I'll call you na lang later.)
"Sige, ingat ka. Bye."
Pagkababa na pagkababa ko ng tawag ay excited akong pumasok ng kuwarto upang maghanap ng magandang damit na susuotin. Tahimik at maingat kong hinalungkat ang mga niregalo sa 'king dress ni mama na 'di ko naman sinusuot dati. Nang makapili ako'y agad akong nagpalit. Kinuha ko rin maging ang niregalo sa 'kin ni Garithel no'ng gabing umamin siya sa 'kin, no'ng grade 9 pa kami.
Tahimik ang bawat hakbang ko hanggang sa makalabas ako ng kuwarto. Humarap ako sa salamin at napansing bagay pala sa 'kin ang asul na dress na suot ko.
Nagpulbos ako at nag-apply ng kaunting liptint sa labi. Sinuklay ko rin ang paalon kong buhok bago ko ito itali gamit ang kukay asul na pantali sa buhok na iniregalo sa 'kin ni Garithel no'n. Natuwa ako dahil kahit na matagal na ito sa akin ay hindi pa rin nawawala o nabawasan ang kulay itim na music notes na disenyo nito.
Ang ganda...
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ko iyon. Lalo na nang maalala ko kung gaano kakabado ang mukha niya nang iabot niya ito sa 'kin nang gabing 'yon...
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...