Chapter 11

52 7 0
                                    

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napanganga habang nakatitig sa ni-send niya!

Nag-send siya ng voice message sa 'kin!

Putek? Akala ko ba 'di s'ya sanay mag-vm?!

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Dahil sobrang curios ako ay agad kong pinindot ang voicemessage para pakinggan ito.

Napalunok ako, sabik na sabik na marinig ang laman nito ngunit nang makarinig ako ng strum ng gitara ay natigilan ako, pamilyar kasi ang tunog na 'to, parang narinig ko na kasi siya pero 'di ko lang matandaan kung saan at kailan.

"Baby, can you.. stay a little while?" pagkanta ng isang lalaki.

Mabilis na namilog ang mga mata ko at sa sobrang gulat ay nabitawan ko pa ang cellphone!

Putek. Kaninong boses 'to?!

Mahinahon... malamig... at malambing...

Putek ang g'wapo ng boses!

"Close your eyes and listen carefully.."

Natameme ako sa cellphone kong nakalapag sa lupa, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ng isang lalaking kumakanta kasabay ng tugtog ng gitara!

'Di ko mapigilang 'di mamangha sa boses ng lalaki... Talaga namang.. napakaganda ng melody ng kaniyang kinakanta. Malumanay... nakagagaan sa pakiramdam... malamig... para akong nakasakay sa alapaap... parang isang mahiwagang kanta na masarap sa tainga at hinding-hindi mo pagsasawaang pakinggan..

Habang pinakikinggan ang kanta ay siyang pag-sink in sa utak ko kung sino ang nag-send nito sa 'kin. Natigilan ako. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla!

Putek...

Si Garithel ba 'tong kumakanta?!

Ba't parang medyo umiba 'yung boses niya?!

Mahinahon, mahinhin at medyo boses babae siyang magsalita pero bakit ngayong naririnig ko siyang kumanta— ang manly ng boses niya?! Dahil ba 'to sa mababa ang tono ng kanta o sadyang gan'yan talaga ang boses niya kapag kumakanta?!

Kunot ang noong nakatunganga lang ako, nakatingin sa kalsada, kinukwestiyon pa rin kung siya ba talaga yung kumakanta! Nang matapos ang voice message ay saka lang ako natauhan, kahit maikli lang 'yon dahil hanggang first chorus lang, 'di ko pa rin maitatangging ang ganda ng nilapat niyang tono sa bawat linya! The song's slow and light melody's like magic— I'm enchanted by it! Napakaganda! Ay hindi. 'Di sapat ang maganda... Putek. Basta! Hindi ko maipaliwanag!

Natulala ako, tila gumaan ang pakiramdam ko habang may ngiti na sa 'king labi.

Agad akong nag-type ng mensahe para sa lalaking kaibigan.

Heart Jayle Soriano:

Putek sanaol! Galing mo! y(┳Д┳)y


Garithel Ram Montixerde:

Thanks.


Heart Jayle Soriano:

Uy bye na ha? Sasauluhin ko natong kanta! Try ko narin ipractice kantahin gamit yung nilapat mong tono p(^ω^)q

Send ka nalang vm ng ibang d mo kinanta sa una mong nisend. Para maaralan ko na ang ilalapat na tono sa buong lyrics ng kanta. Mula umpisa hanggang dulo ha. Bye!(⌒▽⌒)/


Hindi na nga 'ko nag-chat pa sa kaniya. Sinimulan ko na ring kabisahin ang lyrics ng kanta mula sa screen shots ko kanina. Kapag nakalilimutan ko naman ang tono ay pinapakinggan ko ulit ang vm ni Garithel sa 'kin.


Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon