Luminga-linga pa ako sa paligid at napansin ko agad na halos lahat sa mga bisita ay mga kaklase namin. Mga nakapormal attire ang mga ito kaya naman ay tinubuan agad ako ng matinding kahihiyan sa suot ko ngayong black jogging pants at light blue oversized t-shirt!
Nang mapatingin ako kay Herza ay mukhang pareho lang kami ng nararamdaman. Sumenyas pa nga ito ng 'I feel you, bhie' tsaka binalingan ng masamang tingin ang lalaking kasama namin na panay naman ang titig sa mga pagkain.
Nawala ang kaba ko nang may isang maid na lumapit sa amin at iginiya kami sa table namin. Napahinga agad ako ng malalim nang tuluyang na akong makaupo. Nagpatuloy naman ang pag-obseba ko sa paligid. Dito ko lang rin napansin na mukhang 'di close ang mga bisita sa may birthday dahil ang gagalang at ang popormal kung kumilos ngayon, maging itong dalawang kasama ko ay himalang tumino rin! Eh, sa classroom namin parang mga nakawala sa mental ang mga ito! Ang iingay at maraming mga kalokohan!
Tsaka naisip ko na rin kung bakit. Nakakahiya naman kasi talagang um-attend sa party na hindi mo close 'yung may birthday.
Siguro kaya invited kaming mga magiging kaklase ng may birthday kasi gustong yata ng mama niya na may mahanap siyang kaibigan dito sa 'min. To think na bagong lipat sila at transferee ang anak nila.
Mukhang magsisimula pa lang ang party. Naghintay pa kami ng ilang saglit bago nagsitayo ang lahat upang magbigay galang, narito na raw ang may kaarawan banggit ng lalaking mc.
Nagpalinga-linga kami ni Herza at hinahanap ang tinutukoy ng mc pero hindi naman namin 'to kilala kaya hindi namin alam kung sino.
"Knows mo ba ang face ng may birthday, Asher?" tanong ni Herza.
"Oo. Basta mahinhin na lalaki, s'ya na 'yon."
"Is he g'wapo? Baka naman gay?"
Tatawa na sana ako sa tanong ng kaibigang babae pero biglang naudlot dahil napalingon sa 'kin ang isang mayuming babae sa kabilang table namin. Umiwas na lang ako ng tingin at umastang nauubo.
Ano'ng tinitingin-tingin ng babaeng 'yon? Dahil ba sa suot ko? Putek.
"Gogu ka talaga, Herza," tumawa si Asher. "Lalaki 'yon pero mahinhin lang kumilos. Pormal gano'n."
"Wala naman akong makitang gan'yan, Asher, ah? Hanapin mo nga tutal alam mo naman itsura," utos ko rito bago kumuha ng grapes as table at nginuya, hinain na 'to sa 'min ng isang maid kanina.
"Oks, Heart, hanapin ko lang." Nagpalinga-linga siya sa paligid.
"Ayon. 'Yung lalaking naka-red."
Tinuro sa 'min ni Asher kung nasaan at lumingon agad kami ni Herza rito. Nakita ko naman ang isang lalaki na umakyat sa dinisenyong stage at halatang nahihiya pa ito ngunit mukhang napilit lang ng babaeng kasama niya, mukhang 'yon ang mama niya.
Nakasuot ito ng pulang long sleeves, black slacks at black shoes. May kaputian ang balat, matangkad, itim ang bagsak na magulong bangs, at kapansin-pansin talaga ang suot nitong nerdy glasses sa unang tingin pa lang.
"Mukhang introvert ang lalaking 'to, ah. Halatang mahiyain tsaka hindi sanay sa maraming tao," usal ko at sumang-ayon naman si Herza.
"True, bhie. Naisip ko rin 'yan," ani nito.
"Luh? May isip ka pala? Patingin nga?" kantyaw naman ni Asher dito at natawa kaming pareho.
"Shems ka. Kahit na sa party tayo you're ungas pa rin." Inirapan siya nito.
"Ikaw nga walanghiya kapag tayo-tayo lang, pero 'pag may ibang tao biglang mahinhin."
"You know what? Kung 'di ka pa mag-stop, hahambalusin na talaga kita ng—"
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...