Chapter 9

72 7 0
                                    


"Herza girrrrrl!"

"Ay shems! Mga bhieeeee!" tili ni Herza pabalik nang makita ang dalawang babae na sa tingin ko'y mga halos ka-edad lang din namin. Mga maporma ito at halatang mga yayamanin, makinis ang mga kutis, matatangkad at maputi, ang suot nilang damit na nauuso ngayon ay bumagay sa kanilang girly vibe.

Men. Ang aesthetic nilang tignan!

Hindi ko sila kilala. Pero putek ang gaganda rin nila tulad ni Herza!

Katunayan, maraming kasundo 'tong si Herza sa loob o labas man ng eskuwelahan namin. Nagugulat na nga lang ako 'pag may nakasasalubong kami sa mga friends niya at tulad ngayo'y makikipag-chitchat siya saglit.

Pero ika nga ni Herza sa 'min, kami lang daw ang best friends n'ya kaya 'wag raw kaming magtampo sa kaniya, sa 'min din siya laging sumasama! Pero 'pag 'di namin trip gumala o wala kaming lakad nina Asher, sa ibang friends niya naman siya sumasama sa mga gala. 'Di na nga 'ko nagtataka kung kahit sa'ng lugar kami mapadpad ay may nakakakilala sa babaeng 'to.

Sa kadahilanang nag-iingat na 'ko sa ngayon para 'di na maulit 'yong insidente kanina, lumingon ako sa unahan, sa kaliwang banda ko kung nasaan si Herza na nakikipag-usap sa dalawang girl, at nang mapatingin ako sa kanang banda ko, mabilis nanlaki ang mga mata ko.

Putek?

Katabi ko pala 'tong si Garithel?!

Kailan siya tumabi sa 'kin? Kanina pa ba siya riyan?!

Bakit 'di ko napansin?!

'Tsaka... Akala ko ba nahihiya s'yang tumabi sa 'min?!

Nagtatakang tinitigan ko lang siya na tahimik lang as usual. Tumigil kami sa paglalakad dahil sa kaibigan ni Herza kaya siya'y pormal na nakatayo lang sa tabi ko.

Medyo namumula ang kan'yang balat dahil sa sikat ng araw, seryoso ang kaniyang mukha habang diretsong nakatingin lang sa unahan.
I watched him as he pushed his eyeglasses up to the bridge of his pointed nose. Natatagalan na kami rito dahil sa pakikipag-usap ni Herza, pero kahit na gano'n, 'di siya nagrereklamo sa kahihintay namin, napabilib ako sa kan'ya kasi 'wala akong makitang senyales na naiinip siya.

Mahaba siguro pasensya niya. Sana all. Ako kasi kanina pa 'di maipinta ang mukha sa sobrang pagka-inip.

'Tsaka kung si Asher ang na sa sitwasyon namin ngayon, panigurado'y sinita na si Herza at aayain na agad kaming umalis na. Mainipin pa naman ang lalaking 'yon.

Matapos ang chitchats nila Herza at ng friends niya, hindi na kami nagsayang pa ng oras at naglakad na nga papunta sa destinasyon namin.

Nang makarating kami sa tuktok ng rock formation, ito 'yung pinuntahan namin no'ng nakaraan, 'yung bagong meeting place namin, wala na kaming pahi-pahinga at nagsimula agad kaming mag-usap tungkol sa music video namin.

"Akin na 'yung na-compose mo, pre," asked Asher.

Garithel gave his notebook, that's containing the full lyrics of his composed songs for our music video, to Asher. He then walk to the side of the tawilis tree where no one is beside him. After that, I watched him as he removed the black guitar from the guitar bag, pansin ko rin kung gaano siya kaingat sa paghawak niya rito. Malalaman mo talaga na mahalaga sa kaniya ang kaniyang ang gitara.

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon