Sa paglakad pa lang ni Garithel patungong mini stage ay nagtilian na ang karamihan sa mga bisita. Ngunit ang putek, halos matawa ako dahil sa walang emosyon niyang mukha habang swabeng naglalakad, na para bang wala siyang naririnig kahit na halos mabingi na 'ko sa ingay ng mga bisita niya kabilang na si Herza.Oo nga pala. Sikat pala siya bilang isang magaling na composer, musician and singer sa MNHS. Tsk.
"Girl, what are you doing ba? Go ka na at magsi-sing na kayo," rinig kong sabi ni Herza.
Nagpakawala na lang ako nang malalim na buntonghininga bago sumunod sa lalaking 'yon.
Pagtuntong ko ng mini stage ay mayroon ng dalawang itim na silya rito, inabot naman sa 'kin ng last na kumanta ang mic habang mayro'n ding mic na may stand sa unahan ng isang silya. Ang alam ko'y nasasaktan ako ngayon, ngunit nang marinig kong tumili si Herza ay napalingon tuloy ako sa audience kung nasaan ang mga bisita'y nakaupo rin sa kaniya-kaniyang table. Mabilis akong tinubuan ng kaba, ilang saglit pa'y bumilis ang tibok ng aking puso.
Putek. Kaya ko pa kayang kumanta?
Sana 'di ko ma-dissapoint si Herza...
Tsaka...'wag naman sana akong pumiyok!
Lumingon ako kay Garithel na nasa sulok nitong mini stage at nakita ko kung paano siya humiram ng isang itim na gitara sa ni-invite niyang banda na tumugtog na kanina. Patuloy na nagchi-cheer ang mga bisita at tilian doon, tilian dito ang aking nariribig ngunit 'di na iyon alintana. Nakatingin lang ako kay Garithel. Halos mapangiti nga ako nang mapansing napakapormal niyang tingnan habang nakikipag-usap sa hihiraman niya ng gitara, ang humble niyang tingnan. Itim ang aurang bumabalot sa kaniya na talaga namang nakaka-intimidate ngunit ang kalmado pa rin ng kilos at pananalita niya, kaya siguro napakaguwapo niya sa paningin ko sa mga sandaling ito.
Nang makahiram siya ng gitara ay maingat na binitbit niya ito at walang emosyong lumakad palapit sa 'kin dito sa gitna ng mini stage. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko dahil sa napansin.
Maingat pa rin pala siya pagdating sa mga gitara gaya ng dati. May something pa rin sa paghawak niya pagdating sa gitara, ang makita siyang hawak ito'y mararamdaman mo ang passion at pagmamahal niya rito kahit na 'di pa siya tumutugtog.
Nang umupo siya ay mukhang naramdaman niyang nakatingin ako kaya napatingin din sa 'kin ang walang buhay niyang mga mata habang inaayos niya ang stand ng mic sa harap niya. Agad akong umiwas ng tingin at pasimpleng umupo na rin sa isa pang silya na may kaunting distanya ang layo sa kaniya. Ang lakas na ng epekto niya sa 'kin, eye contact pa lang ay naghuhurumintado na itong puso ko.
"Ready?" walang ganang tanong niya habang nakatingin sa mga bisita ngunit hindi ko inaasahan ito kaya nabigla ako.
Seeing him about to play a guitar... that dark eyes that's staring at me... that word coming from his mouth...
Natulala ako nang may biglang maalala.
"Are you ready?" biglang tanong niya bago napatingin sa 'kin.
Seryosong tumango naman ako. "Yup, ready na!"
Ilang segundo yata akong natulala sa kaniya habang inaalala ang unang araw na ni-practice naming dalawa sa 'ming bahay ang kantang ginawa namin.
At kakantahin ulit namin ito ngayon makalipas ang isang taon...
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...