Chapter 5

82 7 0
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa maging buwan. Sa bawat mga alaalang naiipon, sinulit at ninamnam ko ang mga sandaling umaayon pa sa 'min ang tadhana at pagkakataon. Hindi ko talaga namamalayan ang bawat pagtakbo ng oras lalo na kung ako'y maligaya sa mga bagay na aking ginagawa habang kasama ko ang mga taong malapit sa puso ko. Hindi ko man alam ang bukas na sasalubong sa 'kin, ang mahalaga'y may masasaya akong kahapon na babalik-balikan at magbibigay sa 'kin ng lakas upang magpatuloy sa buhay na mayro'n ako ngayon.

Abala ako sa pagmumuni-muni habang tulalang nakatingin sa pisara nang mahagip ng aking mga mata ang tahimik na si Garithel. Napapansin ko naman talaga no'n pa na matalino itong estudyante, na hindi siya dapat na maliitin nang dahil lang sa hindi siya palakibo at mahiyain, kasi ang totoo ay napakagaling nito pagdating sa academics. Mula nang makita namin ang sulat kamay at ang answers niya sa Mathematics no'n ay napahanga na kami nina Herza sa angking talino ng lalaki. Hindi lang 'yon sapagkat mas pinahanga niya pa kami dahil sa buong first at second quarter, talaga namang lagi itong top sa mga quizzes at exams. Sa tuwing ina-anunsiyo nga ng mga guro ang scores namin ay talagang marami ang pabirong napapasabi ng 'Sana all' sa kan'ya at isa na nga ako ro'n.

No'ng mga nakaraan, hindi naman kami nagmintis nina Herza at Asher na lapitan si Garithel palagi subalit minsan lang talaga siya kung sumama sa 'ming tumambay o gumala. Kung sasama man siya sa 'min, 'yon ay dahil nakulitan na yata sa 'min o 'di kaya nama'y gagawa kami ng group activity.

Ngayon nga ay katatapos lang ng third quarter namin. Alas dose na ng hapon kaya mapapansin mo agad ang tirik na tirik na araw sa labas, mainit nga rin ang pakiramdam ko lalo na't hindi gaanong naaabot ng hangin ng electric fan ang puwesto ko. Ramdam ko rin maging ang mga butil ng pawis sa ulo at likod ko kaya panay ang paypay ko gamit ang aking kuwaderno nang mabawasan ang init na aking nadarama. Kasalukuyang na sa silid-aralan na kaming lahat at tanging ang hinihintay na lang ng buong klase ay ang subject teacher namin sa Mapeh.

Naramdaman kong isinandal ni Asher ang braso niya sa likod ng aking bangko. Tulad nang ginagawa nito kapag bored siya ay nilaro-laro nito ang curly at dark brown kong buhok na hanggang balikat. "Bakit ang tagal naman yata ni ma'am? Gogu. Naiinip na 'ko!"

"'Di mo ba want? Habang lumilipas ang time na she's not here yet, umiiksi ang time n'yang mag-teach sa 'tin! Hihi," sagot naman ni Herza habang abala siya sa paglilista ng bago na namang putahe na nais niyang araling iluto.

Napaisip naman ako sa sinabi ng kaibigan ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kundi ang mainip sa kahihintay. "Baka overtime na naman 'yon mamaya!" salubong ang makakapal na kilay kong saad at natawa naman si Herza.

"Ang taray talaga ng eye brows mo, bhie. Kahit 'di magsalubong, mukha ka pa ring annoyed."

"Alam mo, Herza? Masiyado kang PUTEK."

Sabay na natawa pa sila ni Asher at inasar pa 'ko na bagay daw talaga sa 'kin ang paalon na buhok at makapal na kilay, tumutugma raw sa morena kong balat at maiinitin kong ulo.

Tsk!

Mayamaya lang, nang dumating na nga ang guro'y nagsitayuan kaming lahat upang mabigay galang at batiin ito ng magandang hapon.

"Good afternoon din mga anak, maupo na kayo." Nilapag nito ang kaniyang sling bag sa teachers table at pormal na tumayo malapit sa blackboard.

"Kumusta naman ang pahinga niyo matapos ang exams?" Nakita ko pa kung papaanong kumunot ang noo ng guro ngunit ngumiti rin naman ito kalaunan. "Natutuwa ako't karamihan sa inyo ay nakakuha nang matataas na puntos, lalo ka na mister Montixerde. Perfect score, job well done!"

PUTEK? Eh, 'di sana all!

Dahil dito ay napatingin ako sa unahan at nakita ang likod ng lalaking tinutukoy ni ma'am Alonzo. Natawa na nga lang ako sa loob-loob ko dahil hindi man lang kumibo sa guro si Garithel! Sa tingin ko'y dulot lang ito ng hiya gayong napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat. Sa ilang buwan na kaklase namin ang lalaki'y unti-unti ko rin naman siyang nakikilala at alam kong hindi siya komportable kapag maraming tao ang tumitingin sa kaniya. Pansin ko nga ring umiiwas siya at naiilang na makipag-eye contact sa iba.

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon