March 23, ngayon ang araw na ipinanganak ako. Ngayon ang araw na nagkaroon ng isang Heart Jayle Soriano sa mundo.
"Good morning, ate. Happy birthday," bungad sa 'kin ni mama pagkagising ko.
Kahit na may muta pa ang aking mga mata, gulo-gulo ang kulot na buhok at may kaunting panis na laway sa gilid ng labi, nagawa kong ngumiti nang malawak sa ina. "Naks. Salamat po, Ma!"
Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at nagtanggal ng muta. "Ano po'ng umagahan ngayon, Ma?"
"Sinangag at tuyo, 'nak. Kain na ro'n, nakahain na sa mesa. Magtimpla ka na lang ng kape mo."
"Sige po. Salamat, Ma!"
Matapos kong kumain, maglinis dito sa bahay, maligo at mag-ayos ng sarili ay magiliw akong umupo sa kawayang bangko rito sa aming sala. Nanonood naman ng palabas ang kapatid kong lalaki at nakaupo rin sa tabi ko pero hindi na iyon alintana!
HAPPY BIRTHDAY TO ME! HAHAHAHA.
Sabik na nag-log in ako sa facebook, alas nuebe na nang umaga at alam kong sa oras na ito, siguro ay binati na ako ng mga iyon sa group chat naming apat. Pagbukas ko ng messages ay maraming mga kakilala ang bumati sa 'kin through chat pero sa rami ng mga iyon, ang group chat namin ang una kong pinindot kaya tumambad sa akin ang pag-uusap ng tatlo.
Asher replied to Herza:
ikaw nga 'tong panay tira sa ring, 'di naman maka-shoot hahahaHerza:
$0 wH4T? @l34ST uMuWi 4k0nG m4¥ Li0n T3d¥ ฿34R!Garithel replied to Herza:
By exchanging it with our tickets, huh?Asher replied to Garithel:
gogu? kaya pala unti-unting nawala mga nakuha kong ticket, Herza, ahHerza replied to Asher:
X¢us3 m3? m0n3¥ k0 k4¥4 ₱in4nG฿iLi m0 nG T0k3n$!Asher reacted 'haha' to Herza's message.
Asher:
gogu ka talaga, Herza, ba't kinuha mo pati kay Ram. pera niya pinangbili niya ng tokens niya, ahYou replied to Herza:
Ha? Tokens? Teka san ba kayo galing kahapon? (ಥ_ಥ)Garithel replied to Asher:
Yeah, but I gave my tickets to her.You replied to Herza:
Uy may iba ka pabang nakuha? Akin nalang! ✧٩(の❛ᴗ❛ の)۶Herza replied to Garithel:
¥ii33! TH4nK$ uLiT R4m!Heart:
Yuho? San ba kako kayo pumunta kahapon? ('Д')yAsher replied to you:
sa mall, nag-arcade kami.Heart:
Aww... okseyHindi ko mapigilang hindi titigan ang group chat naming apat, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil active na active na ring makipagsabayan sa usapan si Garithel, o malulungkot ba 'ko kasi ako naman itong hindi makasabay.
Kung tutuusin, para sa aming apat itong group chat ngunit pakiramdam ko isa na lang akong outsider sa grupo dahil hindi ako maka-relate sa mga nagiging topic nila lalo na nitong mga nakaraang araw, hindi na 'ko sumasama sa mga gala kaya hindi ko alam ang mga pinag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...