Chapter 12

46 6 0
                                    

Napalunok ako nang malala. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-init ng aking mukha, dinaramdam ang matinding kahihiyan na biglang bumalot sa 'kin. Hindi ko na rin magawang lingunin pa ang reaksyon ng katabi ko sa sobrang hiyang nararamdaman! Kung dati, wala lang sa 'kin kapag tahimik siya, ngayon ay parang mababaliw na ako sa kaiisip dahil hindi siya nagsasalita!

MAMA NAMAAAAAAAN!

HINDI AKO ANG CRUSH NIYAN! SI HERZA, MAMA! SI HERZAAAAAAA!

Pulang-pula na ang mukha ko ngayon panigurado, buti na lang at gabi na kaya alam kong hindi nila mahahalata! Umastang nandiri ako at sabay sigaw ng 'yak'.

PUTEK. Nakahihiya sa kasama ko! Baka maging awkward kami nito!

"Bakit, Heart, anak? Ayaw mo ba sa kaniya?" tanong sa 'kin ni mama.

Nakangiwing tumawa ako. "Eh, mama, mali po kasi kayo ng iniisip." Kinamot ko ang kilay ko. "Eh, Ma— Siya po si Garithel Ram Montixerde— 'yung kinukuwento po namin sa 'yo nina Herza no'n pa na bago naming kaibigan?" pagpapakilala ko sa lalaki. Kilala na kasi ni mama si Garithel ngunit hindi nga lang alam ni mama ang wangis ng lalaki dahil sa tuwing kasama ni Herza na pumunta si Garithel rito, wala naman si Mama.

Natigilan ang aking ina sa ginagawa. "Tama ba itong pagkarinig ko? Montixerde ba kamo?"

Nagtaka agad ako sa reaksyon niya. "Tama ka po, Mama, montixerde nga po. Teka... Bakit niyo po pala natanong?"

Nakita kong tinitigan niya nang maiigi ang kasama ko na para bang kinikilatis ang mukha nito.

"Wala naman, 'nak. Akala ko ay mali lang ang pagkakarinig ko," sabi niya bago ibaling ulit ang tingin sa ginagawa.

Gayong wala naman pala, nabalik ulit ako sa pagpapaliwanag sa ina para malinawan ito at para hindi sa 'kin mailang ang kaibigan ko. "Ayon nga po, Ma. Wala pong ligawang nagaganap, nag-practice lang po kami para sa project namin sa Mapeh."

Mukhang naintindihan naman niya ito at ngayon ko lang nakita ang bahid ng hiya sa kaniyang mga mata. "Nako.. Ganoon ba?" Pilit ang ngiting nilingon niya ang lalaki. "Nako! Pasensya na, iho, sa mga nasabi ko kanina, ha? Kalimutan mo na lang iyon," nakangiwing aniya sabay kamot ng ulo.

"Uh... It's okay, tita. I understand."

Putek?

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga sinabi ni mama ay nagagawa pa ring maging kalmado ng lalaking 'to!

Hingian ko kaya siya ng tutorial kung pa'no maging kalmado kahit may anger issue?

Natawa na lang ako habang umiiling na kinakamot ang kilay. "Ito naman kasing si mama, oh. Uso naman po kasing magtanong paminsin-minsan," biro ko.

Pinagmasdan kong matawa ang ina bago siya dumiretso sa kusina dala-dala ang niligpit niyang mga pinagpatong-patong na mangkok at may mga kutsara rin sa tuktok nito.

Kaya ayon, tahimik, sabay kaming nag-umpisang maglakad ni Garithel papunta sa kalsada ngunit hindi pa man kami tuluyang nakalalayo ay narinig ko ang pagtawag sa 'kin ng aking nanay kaya napalingon ako pabalik.

Kumunot ang noo ko. "Ano po 'yon, Ma?"

Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan, may hawak na isang mangkok na may sabon at sponge na bumubula-bula pa.

"Heart, anak!" Naalarma agad ako sa tono ng boses ng ina. "Nako! Ang wallet ko, naiwan ko kina tita Bebang mo! Naalala ko't pinatong ko lang iyon sa center table nila no'ng nagta-tsaa kami— nakalimutan ko— nako puntahan mo nga ngayon na!"

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon