Chapter 10

69 7 0
                                    


"Oh? Wala na ba kayong naiwan sa loob? Check n'yo, ah," tanong ko sa mga kaklase ko. Nagsitango naman ang ilan at ang iba'y dumungaw pa sa bintana ng classroom namin upang tingnan kung may naiwan ba sila. Narito kami ngayon nakatindig sa labas ng silid-aralan, tapos na ang maghapong klase at dahil isa sa cleaners si Herza ngayong araw ay hinintay pa namin 'to bago kami sabay-sabay na pupunta sa meeting place namin.

"Ikandado mo na, bhie," sabi sa 'kin ng katabi kong si Herza na nagpupulbos ngayon, pagkatapos ay nilabas niya ang maliit niyang salamin bago naglagay ng red liptint sa labi.

Tumango ako sa kaibigan bago ko tuluyang ni-lock ang dalawang pinto ng room namin. Nagsimulang magsi-alisan ang ilang kakalse naming cleaners na naiwan kasama namin.

"Tara na." Inayos ni Asher ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat. Tahimik na nagmamasid naman sa 'min si Garithel na katabi nito.

Sabay-sabay na nga kaming naglakad palabas ng eskuwelahan. Tumigil kaming tatalo nina Herza at Garithel dito sa gilid ng waiting shed, si Asher naman ay umalis, naghanap ng masasakyan sa unahan pa, punuan kasi ang mga tricycle rito sa parte namin. Uwian pa man din kaya maraming estudyante ang pakalat-kalat, nag-aabang din ng masasakyang tricycle, ang iba'y may mga sundong motor at may ilan namang mukhang magbabarkada na naglalakad lang pauwi. 'Di ko rin maiwasang 'di marinig ang usapan ng mga dumaraan, humalo na sa tunog ng mga busina at mga sasakyan.

"Uh... Heart Jayle?"

Mabilis na napalingon ako kay Garithel na pinagitnaan namin ni Herza. "Ano?" yamot na tanong ko. Alam naman niyang ayaw kong tinatawag ako sa pangalan na 'yan, eh!

"I... uh... I don't have any coins left.." He looked away, scratching the back of his head.

Kumunot ang noo ko at tinitigan siya bago kamutin ang aking kilay. "Sige ako muna magbabayad ng pamasahe mo." Napatingin ulit siya sa 'kin. "Basta, Garithel, mamaya magpabarya ka do'n sa sentro ha, ikaw naman magbayad ng sa 'kin pauwi. Ano, deal?"

Seryosong tumango naman siya. "Deal." Natahimik ulit kami matapos nito.

"Im... I'm sorry..." biglang usal niya.

"Oh? Ba't ka nagso-sorry?"

"I'm sorry for making you pay again for my tricycle fee."

Biglang naalala ko naman ang unang pagkakataon na ako ang nagbayad sa pamasahe niya dahil tulad ngayo'y wala raw siyang barya. Natawa ako at ni-tap ang balikat niya, tumingala pa 'ko para lang matingnan nang maayos ang mukha niya.

"Ano ka ba naman? Para 'yon lang, nagso-sorry ka agad? 'Tsaka, ikaw naman magbabayad sa 'kin pauwi, ah?"

Hindi siya kumibo pero nakatingin pa rin sa 'kin. Mukhang guilty pa rin at ako ang magbabayad ng pamasahe niya ngayon.

Putek. 'Di naman 'to big deal, eh. Kung makaasta naman siya parang malaki na nagawa niyang kasalanan!

"Tsk! Alam mo ikaw, Garithel? 'Wag ka ngang mag-sorry sa mga bagay na 'di naman kasalanan!"

Naudlot ang pag-uusap namin ng biglang may tumigil na tricycle sa tapat namin. Nakita ko ring bumaba si Asher na nakaupo malapit sa driver.

"Sakay na kayo, alis na tayo," aniya.

"Ayoko. Kakabit ako," tanggi ko naman.

"Oks." Nagkibitbalikat lang siya, sumusuko, alam kasi ni kulot na gusto ko talaga ang umaangkas o kumakabit lang. "Basta do'n ka sa likod," turo pa ni Asher sa likuran ng tricycle kung saan may bakal doong p'wede mong upuan.

"Ayoko nga, gusto ko ro'n," turo ko sa nakausling bakal sa gilid ng tricycle kung saan p'wedeng tapakan para kumabit.

"Tss. Bahala ka na nga." Natawa ako nang siya na ang umupo sa likurang bakal nitong sasakyan.

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon