"S-Si G-Garithel..." saad ko bago bumalik ang aking tingin sa kaniya.Pagkarinig na pagkarinig niya ng pangalang binanggit ko'y unti-unting bumakas ang matinding sakit sa kaniyang mukha ng ilang segundo... ngunit agad niya rin itong nagawang itago sa 'kin nang biglang nawala ang emosyon sa kaniyang mukha. Walang buhay ang mga matang bumaling ang tingin niya sa kalangitan na para bang pinipigilang bumuhos ang dumaraming likido mula sa kaniyang pagod na mga mata.
Tahimik ko lang siyang pinagmasdan. Awang-awa ako sa kaibigan dahil kahit 'di man niya sabihin ay ramdam kong nadudurog ang puso niya sa mga oras na ito.
At nang sandaling bumaba ang tingin niya sa damuhan ay tila nawalan ng buhay ang kaniyang mga mata. Bagsak ang kaniyang balikat, matamlay siyang nakatayo sa 'king harapan habang tahimik na dinaramdam ang sakit na magmahal ng taong may iba nang gusto.
Asher...
Asher mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi best friend kita pero hindi kita magawang i-comfort ngayon... Naiinis ako sa sarili ko kasi sinaktan kita sa mga sinabi ko alam mo ba?
Nakakainis... Kung p'wede lang kontrolin ang puso... Kung pwede lang ay sana... sana sa kaniya ko na lang ipinaubaya ang puso ko... Kay Asher na lang sana...
Masaya sana kami ngayon...
Masaya sana ako ngayon...
Pero hindi, eh... Kahit ano'ng gawin ko, si Garithel pa rin talaga, eh... Hindi ko kayang limutin ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sinubukan ko naman ngunit... ngunit isang taon na ang lumipas pero siya pa rin talaga...
"K-Kailan pa?" mapait na tanong ni Asher nang mahimasmasan, hindi na kaya pang tumingin sa 'kin... Yumuko na lang din ako upang hindi na makita kung gaano ko nasasaktan ngayon ang kaibigan...
Napalunok ako. Huminga ako nang malalim bago sabihin sa kaniya ang lahat. "Hindi ko alam kung kailan... kung kailan pa 'ko nagsimulang magkagusto sa kaniya... Pero... Pero mula no'ng nagkita-kita ulit tayong apat no'ng nakaraang taon... Mula no'n ay doon ko na lang na-realize na... na gusto ko na pala siya..."
"S-Shit..." Agad akong napatingin sa kaniya nang marinig siyang nagmura.
Hindi ligtas sa paningin ko kung paano mariing kagatin niya ang kaniyang labi. Mariing napapikit siya at napahawak sa bridge ng kaniyang ilong.Ngunit tila imbis na manibago ako dahil sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang magmura, tila mas hindi ko inaasahan ang sunod na nakita na dahilan upang magsi-unahang umagos pababa ang aking mga luha pababa sa 'king pisngi. Hindi ko na napigilan hindi maiyak nang makita kong dahan-dahang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang pagod at matamlay na mga mata.
Tingnan mo... Tingnan mo kung ano'ng ginawa mo, Heart?
Umiiyak siya...Putek umiiyak na si Asher...
Putek... Putek... Akala ko makakaya ko kahit papaanong makita siyang umiyak ngayon... ngunit hindi ko naman alam na ganito rin kasakit ang mararamdaman ko nang makita ko siyang umiiyak sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...