"Masarap, Ram, right? Fav naming kainin 'to kapag recess," buwelta ni Herza habang pinagpapatong-patong niya ang mga mangkok na wala ng laman, nilagay niya naman ang mga tinidor sa pinakatuktok na mangkok.Nagpunas ako ng kamay at bibig gamit ang dalang wipes ni Herza. "Oh, bayad niyo asaan na?" tanong ko sa kanila.
"How much?" biglang imik ni Garithel at may dinudukot na sa bulsa ng kaniyang black slacks.
"Diyes pesos sa pansit tsaka dose naman sa mineral water."
Nabasa ko agad ang lito sa kaniyang mga mata sa likod ng kaniyang salamin. Tila may hindi ito naintindihan sa sinabi ko kaya napatigil siya, tiningnan ko naman ang hawak na niyang itim at matabang wallet. Dahil dito ay napansin ko ang kaniyang maugat na kamay at ang kumikinang niyang gintong relos.
"What's... What's the meaning of 'diyes' and 'dose'?"
Nanlaki ang mga mata ko at biglang natawa naman ang mga kasama ko. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya at kalaunan ay napaismid.
"Ano'ng— 'Di mo alam 'yan?!" bulalas ko at sabay tawa. Hindi naman nagbago ang walang emosyon niyang mukha, mukhang seryosong hinihintay ang sagot ko.
"Pre, seryoso? 'Di mo alam?" takang tanong na rin ni Asher nang mahimasmasan.
"Rich kid yarn?" asar pa ni Herza.
"HAHAHAHAHAHAHA—"
"If you... If you have knowledge about everything in this world, then laugh at me."
Automatic na nawala ang ngisi ko nang marinig ang mahinahon niyang boses. Natigilan ako at napatitig sa mapungay niyang mga mata na walang buhay na nakatingin sa akin. Napatigil rin sa pagtawa maging sina Asher at Herza at natunganga sa kaniya.
Mukhang nailang naman ito sa pagtingin ko kaya inalis niya ang kaniyang tingin sa akin. Pinanood ko siyang buksan ang kaniyang mamahaling wallet na punong-puno ng one thousand at may ilang ID.
"It's not funny to laugh at someone's ignorance," aniya.
Dumukot siya sa wallet ng five hundred pesos at binalik ang kaniyang tingin sa akin sabay lapag ng pera sa lamesa. Nilabanan ko naman ang mga tingin niya at tila natuwa ako nang hindi na niya inaalis ang tingin sa akin.
Dahan-dahan niyang inayos ang kaniyang suot na salamin. "I'm just asking for an answer... not an insult," ang seryoso ng tono nang mahinhin niyang boses ngunit kung titingnan mo siya'y kalmado naman.
Ang pormal niya pa ring tingnan kahit pa naiinis? Putek?
Sa pagkakataong ito, parang biglang may kung ano akong naramdaman sa loob-loob ko kaya natawa ako nang malakas.
"Sorry naman! HAHAHAHAHA!" Inaamin ko, mali nga ang inasta namin. Pero kung ganito ang kalalabasan, aba, aaraw-arawin ko pa!
Nagtatakang napatingin sina Asher at Herza sa akin na para bang sinasabing nababaliw na ako.
"Hoy, Heart, gutom ka pa ba?" natatawang tanong ni Asher kaya mas natawa ako at umiling-iling.
To think na marami na ang binitiwang salita nitong si Garithel at nakatitingin na rin siya ng diretso sa mga mata ko nang matagal! HAHAHAHAHA!
Improvement na ba itong masasabi?
"Ibig sabihin ng diyes ay ten at twelve naman ang dose, Garithel," usal ko nang mahimasmasan. Kinuha ko ang perang nilapag niya at tiningnan ko naman ang laman ng pitaka ko pero wala akong gaanong dalang pera para ipangsukli. Naglapag na rin ang dalawa pa ng bayad nila sa mesa at saktong tig bente-dos ang mga ito kaya kinuha ko na.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...