Mabilis na lumipas ang ilang araw, linggo at buwan na wala pa rin kaming komuniskayon ni Garithel. Kahit na iisa lang ang school na pinapasukan namin ay tila napakaramot na ng tadhana dahil hindi na ulit nagtagpo pa ang landas namin. Ayoko naman siyang i-chat dahil nahihiya na ako, alam ko ring wala na rin ang closeness na mayro'n kami noon at sobrang nanghihinayang talaga ako.At oo, alam ko naman na at hindi naman maitatangging kay crush na nga ako sa Garithel na 'yon. Halos mamatay na nga ako sa sobrang inggit, mula kasi nang magkausap ulit sila ni Garithel no'ng araw na ipinapabigay ang box sa kaniya, pakiramdm ko'y bumalik muli ang closeness nilang dalawa. Habang ako? Tsk. Hindi man lang ako nito magawang kumustahin kahit sa chat man lang!
Naiintindihan ko naman kung bakit... pero kung ako ang tatanungin ay mas pabor ako kung crush niya pa ako hanggang ngayon— pero hindi na nga! Kasi may iba ng babae na bumihag sa puso niya... Masakit isipin pero alam ko ring ito ang babaeng laging ikinukuwento ni Herza na lagi raw kasama ni Garithel maging ang isa pang lalaki na pogi raw.
Si Asher naman, hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong may hindi magandang namamagitan sa kanila ni Ram. Kung tinatanong namin ito ay lagi nitong sinasabi na ang huling pag-uusap nila ay noong grade 9 pa kami, at nakakalungkot din isipin na gayon din naman ako.
At ngayong grade 11 na kami... gano'n pa rin ang nangyayari... Kahit ano mang hiling ko sa mga tala at panalangin ko sa panginoon gabi-gabi ay hindi pa rin natutupad ang hiling ko na sana... sana bigyan pa ako ng pagkakaton na makausap si Garithel... Na sana kung puwede ay bumalik kami sa dati na kung saan ay lagi pa kaming magkakasamang apat... 'yung mga panahong may nararamdaman pa siya sa akin dahil sigurado akong iba na ang magiging desisyon ko, na hindi ko na siya paluluhain at sasaktan pa. Pero hindi, hanggng sana na lang talaga ng lahat... Alam kong masakit pero kailangan kong tangganpin na hanggang alaala na lang ang lahat...
"Ball pens down. Finish or not, pass your answer sheets now," usal ng guro namin sa General Mathematics and at the same time, adviser namin.
Agad akong napapikit sa sobrang yamot, hindi ko man lang natapos i-solve ang last item ng quiz namin ngayon. Hindi ko nga rin alam kung tama ba ang mga sagot ko pero may tiwala naman ako sa sarili lalo na't nag-advance reading naman ako sa subject na 'to kagabi.
Putek. Bahala na.
"Nasagutan mo ba lahat?" tanong ng seatmate kong si Asher kaya umiling ako. Labag sa loob na ipinasa ko sa kaklase kong nangongolekta ng papel ang answer sheet ko.
Nang makolekta na ang answer sheets ay tumayo na ang guro mula sa pagkakaupo, nakaharap ito sa klase, isinandal nito ang isa niyang kamay sa teacher's table habang ang isa nama'y hawak ang mga papel namin. "Ito na ba lahat?" tanong nito at sumagot naman ang karamihan sa 'min ng 'Yes, ma'am'.
"Okay. Class dismissed," masungit na usal nito na dahilan upang masiyahan ang iba sa mga kaklase ko, ito na kasi ang last subject teacher namin kaya ngayo'y puwede na kaming magsiuwi. Nagsimula nang mag-ayos ng kaniya-kaniyang gamit ang mga kaklase ko at ang ilan ay nagsialisan na rito sa classroom.
"Ash, sabi sa 'kin ni Herza kaninang alas dose, kung matagalan daw siya ay puntahan na lang daw natin siya sa room nila," ani ko habang pinapasok ko ang notes sa General Mathematics sa aking colored sky blue sling bag. Nagkasundo kasi kaming magmi-milktea kaming tatlo ngayong uwian.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...