Lumipas ang halos isang buwan, wala kaming ginawang apat kundi puro practice, practice, at pracite lamang sa aming tambayan, sa tuktok ng rock formation sa tabi ng karagatan. Galing kaming eskuwelahan kanina dahil may klase kaya puro kami mga nakasuot ng uniporme.
Hapon na, palubog na ang araw kaya nagmistulang kulay kahel ang kalangitan maging ang dagat at ang kapaligiran, sumasayaw ang mga dahon ng puno at tila may ibinubulong ang malamig na hangin.
"♬♪Glitters in sky, your smile makes me high
Stars and the moon, you take my heart like boom boom
Feeling butterflies, baby you look so fine♬♪"Ngayong araw na ang last practice sapagkat bukas ay magsisimula na kaming i-record ang kanta ng grupo namin. Tapos na rin ma-animate ng pinsan kong lalaki ang short story na binigay namin sa kaniya na isinulat ni Asher at inayos ni Herza. Kaya ang recorded song ng grupo namin na lang talaga ang kulang at makabubuo na kami ng music video.
"♬♪Can I tell it now?
Heart reaching you♬♪"Kasabay nang pagtigil kong kumanta ang paghabol ko ng sariling hininga, ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis mula sa 'king noo kaya pinahid ko ito gamit ang likod ng palad ko.
Sa kabilang banda, hindi pa rin tumigil sa pagtugtog ng gitara si Garithel dahil may pahabol na solo fingerstyle pa ito sa dulo ng kanta. Ako nama'y tahimik lang siyang pinagmasdan, nakatayo rin malapit sa puno. Mula rito sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko ang damdaming ibinubuhos ng kaibigan sa bawat pagkalabit niya ng mga string habang disente siyang nakatindig, nakasandal sa puno ng tawilis.
Ilang saglit ang lumipas, nakangiting napatayo sina Asher at Herza na magkatabing nakaupo sa damuhan sa unahan namin ni Garithel, magiliw silang nagpapalakpakan.
Ramdam kong nag-uumapaw ang ligaya nilang tatlo ngayon...
Sino ba naman ang hindi matutuwa kung malapit mo nang matapos ang isang proyektong matagal mo nang pinaghihirapang matapos?
Ngunit imbis na sumaya ako dahil matatapos na ang paggawa namin ng music video... ngayon tila purong lungkot lang ang nararamdaman ko...
"Shemsss! Perfect niyo na guys! Gosh. I'm so proud!" Mangiyak-ngiyak na lumapit sa 'kin ang babaeng kaibigan, panay din ang pagyugyog niya ng aking balikat.
Lumapit din si Asher kaya pareho-pareho na kami ngayong nakasilong sa ilalim ng nag-iisang puno rito sa tuktok ng rock formation.
"Gogu," nagpakawala nang malalim na buntonghinga si kulot. "Sa wakas, kaunti na lang at tapos na tayo sa project na 'to," nginitian niya ako na labas ang pantay-pantay niyang ngipin. At kahit taliwas sa 'king nararamdman, nagawa ko pa rin silang ngitian.
"Oo nga! Putek. Ang galing natin!" Sinubukan kong tumawa at lumingon sa katabi kong may bitbit na gitara. Dito ko na nakita kung paanong ngumiti rin si Garithel kina Asher at Herza.
Ngunit bakit nang sandaling mapalingon siya sa 'kin... biglang naglaho ang masiyang ngiti niya?
Saglit lang siyang blangkong tumingin sa 'kin bago siya napalingon sa nakangiting si Herza at nahihiyang ngumiti ulit!
Putek. Sina Asher at Herza nagawa niyang ngitian— tapos ako hindi?!
Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Bakit ba kanina pa siya ganiyan— Hindi. Halos isang buwan na siyang ganiyan! Matapos ang gabing sinamahan niya akong kuhanin ang wallet ni mama kina tita Bebang, nagbago siya bigla sa hindi ko malamang dahilan!
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...