Minsan talaga, hindi natin malaman kung ano ba talaga ang trip ng tadhana sa buhay natin. Maraming mga bagay ang nais nating mangyari, maraming mga bagay na hinding-hindi natin pagsasawaang hilingin. Ngunit tila hindi sang-ayon sa 'tin ang mundo, magigising ka na lang isang araw at sasalubungin ang mga bagay na 'di natin lubos na inaasahang para sa 'yo.Ngayon ay buwan na ng Marso, mabilis talagang lumipas ang mga araw nang hindi mo namamalayan, malapit na pala akong mag-legal age. Kaya naman, naging abala ako ng mga nakaraan para sa paghahanda ng simple kong debut party.
Nang maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura ay natigil ang pag-iisip ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko rito sa classroom na may dalang baon at kasalukuyan nang kumakain.
Putek. Gutom na 'ko.
Tutal ay kalalabas lang ng first subject teacher namin, katatapos lang ng second period at balita ko'y wala raw ang next subject teacher ngayon, inayos ko ang gamit ko bago tumungo muna sa malapit na comfort room. Nagsalamin lang ako at tinali ang aking paalong buhok in a messy bun. Kumuha ako ng ilang piraso ng aking buhok sa unahan at pinaikot ito sa 'king daliri bago ito hinayaang lumapat sa magkabilang gilid ng mukha ko.
Ayan. Nagmukhang tao ako kahit papaano.
Matapos mag-ayos ng sarili, mag-isa akong naglakad patungong canteen.
Ano kayang bibilhin ko?
Pagkarating ko ng canteen ay natakam agad ako nang makitang mayroon silang tindang pansit. Pumila muna ako bago ako makabili nito, mamaya na lang ako bibili ng mineral water.
Pagkaalis ko sa counter ay salubong ang makakapal na kilay na naghanap agad ako ng p'wedeng puwestuhang table kung saan ako kakain.
Ngunit nang makita ko si Asher sa table sa isang sulok na mag-isang kumakain, natigil ang pagmamasid ko rito sa canteen at tinitigan lang siya.
Lalapit kaya ako?
O hindi na muna?
Kung titingnan siya'y parang walang problema, maganang kumain, ayaw magpaistorbo at mukhang malalim ang iniisip dahil sa salubong na kilay nito.
Unti-unting bumakas ang lungkot sa mukha ko.
Pero kung kilala mo siya, alam mong mayro'n siyang pinagdaraanan... Kasi kahit na ano mang mangyari, hinding-hindi pumapalya ang sigla at ngiti sa mukha niya kapag pagkain na ang kaharap niya...
Asher...
Gusto ko siyang tawagin, gusto kong lumapit... Pero alam ko sa sarili kong hindi naman ito maaari...
After what happened last month, hindi na kami nag-usap pa. Hindi na rin kami naging magkagrupo sa mga group activities or project kasi alam at ramdam ko namang umiiwas siya sa 'kin, at naiintindihan ko naman siya.
Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin talaga mapigilang hindi malungkot sa mga nangyari. Nanghihinayang pa rin ako sa pagkakaibigan namin na sa isang iglap ay nahantong sa ganito, walang pansinan, walang kumustahan. Para na rin lang kaming naging estranghero sa isa't isa...
Nakagat ko ang sariling labi.
Asher...
Bilisan mo ang pag-aayos sa puso mo, ah?
Sana bumalik ka na agad...
Basta narito lang ako lagi... Hinihintay pa rin kita hanggang sa maging ready ka nang bumalik bilang matalik kong kaibigan kaya dalian mo...
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...