"Congratulations!"
Nagtapos ang school year nang dumating ang Marso, maligayang dumalo ng recognition at graduation ang lahat na idinaos sa isang auditorium malapit sa Matnog National High School. Sa aming apat na magkakaibigan, sina Asher at Garithel lang ang tinawag sa stage upang kunin ang kanilang sertipiko at medalya. Una pa lang, alam naman talaga ng klase namin na si Garithel ang magiging top one— with highest honor, at sumunod naman sa kaniya ang na sa top two na si Asher— with high honor, at syempre ang iba panaming kaklase na kasama man sa top o hindi na mga with honor.
Tipid ang ngiting tinitigan ko ang lalaking nakasuot ng salamin, may nahihiyang ngiti at may pinkish na pisngi.
Congrats, Garithel. Kahit na hindi na tayo gaanong nagkaka-interact 'di tulad ng dati, kahit puro sama ng loob na ang ibinibigay mo sa 'kin, bilang kaibigan mo, proud pa rin ako sa achievements mo.
Napatingin naman ako sa lalaking mala-pancit canton ang golden brown na buhok at pilyong nakangisi. Hindi ko rin tuloy napigilan ang sariling hindi pilyang mapangiti.
Congrats din, Asher. Proud na proud ako sa 'yo. Kahit na madalas kang mokong at napakapilyo, napakaseryoso mo naman pagdating sa pag-aaral mo.
Napangiti na lang ako. Masaya ako para sa kanila, at kahit na hindi kami aakyat ng stage ni Herza ay dumalo pa rin kami para saksihan ang aming recognition, para na rin suportahan ang dalawa naming lalaking kaibigan.
Nakatayo kaming dalawa ni Herza sa gilid sa baba ng entablado. Lahat ng estudyante ay mga nakauniporme ngayon, nakasibilyan naman ang mga pamilya na kasama ng mga may award maging ang mga may malalaking pangalan na nasa stage— ang aming principal at mga guest— na kinakamayan na ngayon nina Asher at Garithel.
"Shems. I'm so proud of you boys. Congratulations!" nakangiting tili ni Herza habang nakatingin sa stage kung nasaan ang dalawa, panay pa ang kaway niya sa mga ito.
"And syempre..." Napatingin siya sa 'kin. "Congrats din sa 'tin, bhie!" Kinikilig niyang niyugyog ang balikat ko.
"Yup. Congrats sa 'ting lahat." Mas lalong lumawak ang ngiti ko, ang gaan sa pakiramdam!
"Nga pala. Magpalibre tayo sa dalawang 'yon mamaya," biro ko kaya nagtawanan kami.
May medalya man o wala, ang iisiping nairaos mo ang isang taong pagtitiis, pagpupuyat, lahat ng pagod, pagpasok sa eskuwela malungkot ka man o masaya, ay maituturing nang isang malaking karangalan. Oo masaya sa pakiramdam kapag may nakuha kang certificates and medals, pero para sa akin, ang importante ay may natutunan ka sa isang taon mong pag-aaral, at mas mabuti kung hindi mo lang ito isasapuso, kundi ay isabuhay mo rin ito at dalhin hanggang sa iyong pagtanda.
Araw ng sabado, bakasyon na at alas otso na nang umaga ngunit narito lang ako sa bahay, nakahilata pa rin sa kama, nakasuot ng asul na jacket at balot ng mga kumot habang may nakapatong na tela sa 'king noo. Alam kong hindi ko kayang sumama sa gala namin ngayong apat kaya tinawagan ko si Herza.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...