So now... Heart Reaching You has officially ended.
I hope na may natutuhan kayong lessons sa story nato kahit papaano. Kasi ako, oo. While writing Heart and Garithel's story, hindi ko namalayan na pati pala ako, may napupulot na leskyon mula sa thoughts and actions ng characters dito sa librong 'to.
Kung may hindi ka alam, kung may bagay na bumabagabag sa 'yo, ask them. Don't just assume and conclude something, 'wag kang mag-isip ng kung anu-ano kung hindi ito galing mismo sa kanila. I know gasgas na ito pero ika nga nila, maraming namamatay sa maling akala.
And if you ever have feelings on someone, tell them. Hindi naman natin alam kung may pag-asa ka ba o wala. And if wala naman, at least you let them know how you feel. At least you know when to stop loving them, you know when you have to move on. Wala kang pagsisisihan sa huli. Kasi 'di ba, malay mo may chance pala, malay mo kapag nag-confess ka, may chance na magustuhan ka rin niya pabalik. May mga tao kasing ganiyan na kapag alam nilang gusto mo sila, may possibilty na i-crushback ka rin nila. Just make them feel that your intentions is pure and you have genuine feelings for them.
But before you love someone, make sure na mahal mo na ang sarili mo. Because if you don't, sa oras na mawala ang taong mahal mo'y walang matitira sa 'yo, magiging miserable ang buhay mo. So above all, love yourself. Please.
Boys, guys, and men have feelings too. Kaya kung makita mo man silang umiyak, please don't laugh at them, don't label them as gay or weak. They're also a human being just like us females, they also have the right to be vulnerable too. Being vulnerable is not equal to weak, this applies for both males and females.
So ayon. I'm really happy na at last, may libro na rin akong natapos for the first time. It was a dream came true to me. Dati pangarap ko lang na makatapos ng kahit isang story, I thought na sa rami ng ongoing stories na sinusulat ko (na sa draft 'yung iba) baka wala talaga akong matapos. But ni-push ko pa rin 'tong HRY kasi I don't know why, pero lagi akong binabagabag ng story na 'to. Kaya siya talaga ang mas nilaanan ko ng time na tapusin.
Sa lahat ng mga nagbasa, maraming maraming salamat at sinamahan niyo ako hanggang dulo. Thank you also to those who voted and leaved some comments. I highly appreciated it! Babasahin ko lahat 'yan.
I would also like to thank my bestfriends na alam kong full support pa rin sa 'kin since I started being a writer, y'all know who y'all are.
Paalala. Sana lang walang spoilers ha. PLEASE. Gusto ko kasing ma-feel din ng iba ang naramdaman niyo habang binabasa niyo 'tong story. Sana walang pasaway ha.
Again, thank you for reading this story. Live, laugh and love, Archims!
Your introverted writer,
Archimint
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...