Nagsalubong ang aking mga kilay nang makitang parang hindi kami narinig ni Garithel. He seems so focused upon reading his black notebook. His dark eyes were full of different kind of emotions as he reads something, after that he continued to write quietly. Suddenly, a glimpse of the sunlight coming from the opened window, made his nerd glasses shines for seconds that made him looked like a typical formal smart guy. He's writing something passionately, being inspired of something I don't know.
"Pre?" Asher said confusedly, sa pagkakataong ito, sa wakas ay naagaw namin ang atensyon ni Garithel. The moment that he looked back at us, his serious face and intimidating aura softens.
He glared at us innocently, as if he didn't know what's happening. "What?" he softly asked.
"Kung may lyrics ka na ba raw na nabuo?" I asked.
Dahan-dahang bumalik ang tingin niya sa kaniyang hawak at nakabukas na kuwaderno bago isinarado iyon. "Uh, wala..."
Tinitigan ko siyang mabuti. Nakasimangot naman siya ngayon as usual pero bakit pakiramdam ko'y kinabahan siya sa tanong ko? Kanina lang ang intimidating niyang tingnan habang nagsusulat, ah!
Hindi ko alam pero mas lalo lang akong naguluhan sa kaniya. Pakiramdam ko ay may nagawa na siya kahit kaunti pero ayaw niya lang ipakita sa 'min.
Kung mayro'n man. Bakit naman siya mahihiyang ipaalam sa 'min? Ayaw niya bang mabasa namin ang gawa niya? Malay natin, baka maganda.
Sa kabilang banda, ayaw ko naman siyang pilitin kung ayaw niya. Gusto kong kumusa siya, hindi sa lahat ng oras ay ayos ang hiya-hiya na 'yan. Gusto kong matuto siyang kumusa na magshare ng opinyon o side niya sa iba kahit wala ang tulong ko.
"Mga bhie," nabaling ang tingin namin kay Herza.
"Sa tingin ko kailangan lang natin ng fresh air para maging productive. Labas tayo!"
"Gogu naman." Nanlumo si Asher, napatong niya ang dalawang siko sa kaniyang magkabilang tuhod habang hinihilot ng isang kamay niya ang kan'yang noo. "Puro ka na naman gala, Herza, e. Aral muna bago gala."
"Shems. No!" pagdepensa ng babaeng kaibigan. "Hindi naman tayo gagala! I mean, p'wede namang sa labas na lang natin 'tong gawin? 'Yung may magandang view para ganahan tayo!"
Napangiti ako nang makuha ko na ang ipinupunto niya at napa-thumbs up sa kaniya. "Oksey!"
Mukhang nakukumbinsi na namin si Asher. Saglit na pinasadahan kami nito ng tingin at kunot noong tumingin kay Garithel. "Ano, Ram, pre? Gusto mo ba? Ayaw mo yata sa labas."
Nabaling ang tingin ng lahat sa lalaki at hinihintay ang sagot niya. Mukhang nailang siya bigla dahil sa kaniya nakasalalay kung lalabas ba kami o hindi. Kinakabahan tuloy ako at baka humindi siya. Sa pagkakakilala ko sa kaniya nitong mga nakaraan, hindi siya mahilig lumabas sa mga mataong lugar at mas lalong hindi siya mahilig gumala. Parang iwas siya sa mga tao.
Tahimik at dahan-dahang lumingon siya sa 'kin na para bang hindi alam ang isasagot. Kaya naman, palihim na sinisenyasan namin siya ni Herza na um-oo. Napunta tuloy ang tingin niya kay Herza at sa pagkakataong ito, bumuntonghininga muna siya bago sabihin ang...
"It's.. uh.. fine."
Biglang napatili si Herza at napatayo naman ako sa sobrang tuwa!
"Ayos! Tara na, tara na!" tawa ko pa.
Excited kong inayos ang gamit ko at sinukbit ang aking bag, kinuha ko na rin ang sumbrero kong pinatong ko kanina sa center table.
Matapos naming magligpit ng gamit at alisin ang mga crumpled papers na nagkalat sa sahig, nagpaalam muna kami sa mama ni Asher bago kami sabay-sabay na umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Novela JuvenilHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...