"Class dismissed," nagbunyi ang lahat nang sabihin ito ng last subject teacher namin ngayon.Ilang minuto bago mag-ala sais nang gabi ay uwian na kami. Ang ilan ay nagsilabasan na rito sa silid at may ilan namang natira para maglinis. Inayos ko ang aking gamit at isinilid sa 'king blue bag. Matapos ay napatingin ako sa seatmate kong si Asher na sukbit na sa balikat ang sariling bag at mukhang hinihintay na lang ako para sabay na kaming lumabas ng classroom.
"Tara," aya ko at tumango naman ito.
Sabay na lumabas kami sa classroom at napangiti ako nang makitang palapit na rin sa amin si Herza. Napapatingin pa sa kaniya ang ilan sa mga kaklase ko dahil halata sa ID niyang STEM student siya.
"Yiieee, kung 'di ko lang knows na mag-best friends kayo, I would think na mag-jowa kayo!" kantyaw niya sa amin kaya kunot ang noong tinitigan ko siya.
Putek. Mga kaklase ko kinakantyawan na rin kami kasi palagi raw kaming magkasama ni kulot — natural kasi bestfriend at kaklase ko— pero pati ba naman si Herza ganito na rin? Tsk!
"Tigilan mo 'ko, Herza. Tsaka, 'di kami talo, oy!" depensa ko. Tahimik naman sa gilid ko si Asher.
Ngumuso siya pero binigyan ko siya ng seryosong tingin. "Hmp. Okay, sorry!" aniya.
Nang tuluyang makalapit ang babaeng kaibigan ay pumagitna siya sa 'min ni Asher at masiglang umangkla sa braso ko maging sa braso ng lalaking kaibigan.
"Anyways, let's go!"
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Do'n lang. Come na, sama kayo."
May lugar bang 'Do'n lang'? Matinong sagot 'yan.
Takang tinitigan ko ang kaibigan. "Saan?"
"Gogu. Basta si Herza nag-aya, panigurado sa galaan," sabi ni Asher.
"What? Hoy, I'm not a gala girl kaya!"
Natawa ako habang magkasabay kaming naglalakad na tatlo rito na sa quadrangle. "Weh, sure ka 'di ka gala?"
Nagtatampong inalis ni Herza ang pagkakakapit sa braso ko. Pero natatawang binalik ko ito sa pagkakaangkla sa braso ko, 'di niya rin naman na inalis.
"Hmp! Oo na, I'm gala na. But! Sometimes lang naman!"
This time ay nakitawa na sa 'kin si Asher. "Ga'no kadalas ang sometimes, Herza?"
"Hmp. Dahil pinagtutulungan niyo 'ko, I won't sabi-sabi kung saan tayo pupunta."
Napatigil kaming maglakad ni Asher kaya tumigil ding maglakad si Herza.
"Bakit? Sinabi ba naming sasama kami?" prangka agad ni Asher.
"Edi no! I'm not gonna pilit you guys if 'di niyo want."
Dahil sa inaasta ni Herza ay 'du ko mapigilang hindi mag-isip. Ngunit kahit ano'ng isip ko'y wala pa rin akong mahanap na dahilan. Ang tanging alam ko lang ay parang may mahalagang bagay akong nakalimutan na hindi ko malaman.
Kung sumama ba ako... malalaman ko ang sagot dito?
"Saan ba tayo?" tanong ko sa katabi kong babae, mayroon nang mapilyang ngiti ang nakapaskil sa pagmumukha nito. Alam kasi nitong kapag tinanong ko kung pasaan ay sasama ako.
"Tss. Gabi na, gagala pa kayo? Sasama na 'ko," yamot na reklamo naman ni kulot habang napapakamot ulo sa tabi ni Herza.
"Hoy, sa'n nga tayo?" tanong ko ulit.
BINABASA MO ANG
Heart Reaching You
Teen FictionHeart Jayle Soriano is a boyish energetic teenager girl who always seek adventure in every way that she can. Unexpectedly, Heart and her friends suddenly meet a shy type of guy who is always quite and likes being with no one. They were asked by his...