Chapter 25

29 7 0
                                    

After a year...

"By the way class, you will present your output with your partner on friday. Understand?" said by our teacher in Organization and Management, also our beloved adviser. Narito ako ngayon sa aming classroom at nakikinig sa mga bilin ng guro. Alas dose pa lang nang hapon, first subject namin si ma'am kaya nama'y ganado po ang utak ko.

"Reminder lang class, ha? Grade 12 na kayo. Dapat lang na gawin niyo lahat ng requirements niyo para maka-graduate kayo ngayong taon. Kung ano'ng dapat niyong gawin, see to it na may maipapasa kayo. Naiintindihan ba ako, class?"

"Yes, ma'am, " sabay-sabay naming sagot ng mga kaklase ko.

May iniwang activity sa 'min si ma'am Undang since may meeting daw itong a-attend-an. Nang lumabas na ng classroom ang guro ay agad akong napatingin sa katabi kong si Asher na nag-take notes sa mga habilin ng guro.

Kinulbit ko siya sa braso. "Kulot."

"Ano?" seryosong aniya habang abala pa rin sa ginagawa kaya 'di man lang ako nilingon.

"Narinig mo naman siguro sinabi ni sir," sabi ko.

"Natural, may tainga ako, eh," aniya kaya natawa ako.

"Ano? Partner tayo?"

Tumango siya. "Oo."

Biglang kumunot ang noo ko nang marinig ang hagikhikan ng ilang mga babaeng kaklase naming malapit nakaupo sa 'min.

Nilingon ko sila. "Ano'ng problema niyo? Ano'ng nakakatawa?" salubong ang makakapal na kilay kong tanong sa mga ito ngunit parang hindi nawala ang mapanuksong ngiti sa mga mukha nila.

"Kayo. Yieeee," parang kinikilig na wika ng isa sa kanila.

"Ano'ng nakakatawa sa 'min?" seryoso namang sabat ni Asher habang busy pa rin sa sinusulat. Mukhang nakikinig din ang mokong.

"Pansin kasi namin na lagi na lang kayo ni Asher ang nagpa-partner. Lagi rin kayong magkagrupo sa mga group activities at projects since grade 11 pa lang tayo until now that we are already grade 12," ani naman ng isa habang nakapaskil ang makahulugang ngiti sa kaniyang mukha.

"Korique ka, beh!"

"Para ngang mag-jowa na talaga sila, madalas din silang magkasama."

"Forda lowkey relationship yata ang mga ferson."

"Sa true!"

Putek? Natural kasi bukod sa kababata ko 'tong kulot na 'to'y bestfriend ko pa, kaya natural close kami. Mga putek na 'to.

Agad na tinaasan ko sila ng kilay. "Oh, tapos? Ano naman?"

"Bawal ba?" dagdag pa ng lalaking katabi ko.

"Kita niyo na? Kahit sa mga reaksyon, parehong-pareho kayo. 'Di na kami magtataka kung mabalitaan na lang naming kayo na pala. Hihihi," sabat naman ng isa pa bago sila maghagikgikan na animo'y mga kinikilig na ikinalukot ng mukha ko.

Putek. Hanggang ngayon ba naman malisyoso mga kaklase ko?

Bumuntonghininga na lang ako at 'di na sila pinagtuunan pa ng pansin. Sanay na ako sa kanila. Since first semester ganiyan na ang mga naririnig ko. Kahit ngayong second sem gano'n pa rin, wala ng bago.

Nilingon ko si Asher para sana tanungin ito tungkol sa gagawin naming output ngayon ngunit hindi ako nakapagsalita nang makitang pasimple siyang ngumisi.

Heart Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon