Chapter 01

164 3 0
                                    

°°°01°°°


"LET'S ALL RISE and give a big hand of applause to our speaker for today. Brother Jonathan Evangelista!" The moment right after the emcee announced his name, Jonathan stood up and started to walk unto the pulpit. From outside he look very confident and well prepared but deep inside of him-he was very nervous, his hands are even shaking a bit, but he managed to hide it from everyone. Hindi pa man siya nag u-umpisang magsalita ay namamawis na ang nuo niya. Bahagyang nanginginig pa rin ang mga kamay nang ilapag niya sa altar ang dalang bible at notebooks kung saan niya in-outline ang mga ipi-preach niya.

Inilibot niya ang tingin sa buong congregation. Bakas sa ngiti ng bawat isa na proud na proud ang mga ito sa kanya. Alam ni Jonathan na malaki ang expectations ng lahat sa kanya, lalo na ng kanyang pastor, dahil sa kaga-graduate niya lamang sa Theology sa bansang Australia. At iyon ang dahilan nang nararamdaman ngayon ni Jonatahan na tila may malaking bato sa puso niya.

Fear. This kind of fear are slowly breaking him, but he doesn't want to admit that. Hindi niya p'wedeng biguin silang lahat. Hindi pwedeng malaman ng mga ito ang napakalaking pagkakamali na nagawa niya habang siya'y nag aaral sa Australia.

Hawak niya ang microphone ay nagsimula na siyang magsalita.

"Isang mapagpalang umaga po, sa ating lahat! Unang-una ay nais ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat, lalong lalo na kay Pastor, dahil sa walang kapantay na naging pagsuporta at patuloy na pagdarasal ninyo para sa akin. Tunay nga naman na sa Diyos ay walang imposible. Pinadala niya ang isa sa atin-which is ako." Some responce with a joyful laugh and some are just nooded. "Upang sa malayong lugar ay maipakita niya kung gaano kalawak ang pag ibig niya para sa atin. His love has no limit."

He pause..

Is God's love really has no limit? Paano kapag napakalaki na ng kasalanan mo sa Kanya? Kaya Niya pa kaya akong patawarin?

"You know, our mind.. Will never fully comprehend of God's mind. No matter how hard we stop ourselves to worry. We still always doubt of His love for us." Now, Jonathan is not only talking to congregation but also he is talking to himself. "Kaya pa ba akong mahalin ng Diyos sa kabila ng mga kasalanan na ginawa ko? Yes, in our heart we know-yes. Kasi ang Diyos ay mapagpatawad. But is it never enough to stop us from thinking na kung paano kapag sobrang dissapointed na pala Siya sa akin? Paano kapag pagod na pagod na pala Siya na patawarin ako nang paulit-ulit?"

"Aminin man natin o hindi. May kanya-kanya tayong mga sugat na itinatago, na hindi natin gustong ipakita sa kanino man. Sinasarili lang natin ang sakit na hatid ng sugat na iyon dahil natatakot tayo na kapag nakita ng iba ang sugat nating iyon ay baka.. pandirihan nila tayo. Brothers and sisters.. You know what this wounds I am talking about?.. It's our sins."

JONATHAN FELT extremely tense. He is very paranoid dahil pakiramdam niya ay para siyang isang preso na tumakas sa kulungan at anumang oras ay mahuhuli na siya. Lalo pa no'ng matapos ang worship service nila kanina ay kinausap siya ng pastor niya at sinabing.. "Alam kong hindi iyon ang mensahe ng Diyos sa congression. Mensahe iyon ng Diyos personally para sa 'yo," Pagtukoy nito sa itinuro niya kanina sa altar. "May meeting tayo mamayang gabi. May dapat tayong pag usapan."

Paano niya ba napaniwala ang sarili na kaya niyang magtago sa pastor niya? Malakas ang decernment ng pastor nila lalo na pagdating sa kanila na mga leaders sa church nilang iyon. Tunay nga na bukod sa Diyos ay alam din ng pastor kung maroong mali sa kanyang mga tupa.

That day, she also recieved a text message from Ellene. "Jonathan, just always remember kung ano ang mga natutunan natin sa SOT."

Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga oras at dumating na nga ang gabi. Sa loob ng church sa pabilog na mga upuan ay nagtipon-tipon sila para sa isang mahalagang meeting.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon