Chapter 24

22 1 0
                                    

°°°24°°°

EKSAKTONG PAGKALABAS ni Chogel sa pantry ay muli niyang nakasalubong si Sheila. Nakangiti ito sa kanya, kaya napilitan siyang batiin ito.

"Hi," aniya na nakangiti pa, kahit na kating-kati na ang mga paa niyang pumunta sa opisina ng boss niya upang magpaalam na mag-early out.

"Buti naabutan kita. Pinapa-follow up pala ni Boss Gil ang pinapagawa niyang report sa production natin last month."

Wala sa sariling napaawang ang labi ni Chogel. "R-report?"

"Yeah, that's right. Kailangan na kailangan niya na daw iyon, before lunch."

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Chogel sa narining. Nagtataka siyang napatanong. "Pero wala naman siyang pinapagawang report sa akin.."

Ngayon ay si Sheila naman ang kunway napanganga. It was her plan, dahil ang totoo ay hindi naman talaga niya sinabi kay Chogel ang pinapabilin sa kanya ng boss nila kanina. Iyon ay upang mapigilan niya itong umuwi nang maaga. Ine-expect niya na kasing mangyayari ito.. Knowing how Chogel was worry for his "boyfriend" na hindi nito ikinakaila sa mga kasamahan nila sa trabaho.

"Sorry, nakalimutan ko yatang sabihin sa'yo kanina ang report na pinapagawa ni Boss. He needed it before lunch para sa kanyang meeting.."

And Chogel frustratedly blows a loud breath. He comb his hair using his finger as he tried his best to collect himself.

"Alright.. I'll do it," he said, pointing his finger to Sheila. "Before lunch." Then he grab his phone on his pocket to call his boyfriend but it's still in busy tone. He scroll down his contact list until he found his mother's number. Pakikiusapan niya ito na samahan si Jonathan sa bahay nila hanggang sa makauwi siya. Mabuti na lamang at mabilis siya nitong sinagot.

"Anak.." Kaagad na kinabahan si Chogel sa tono nang pagsasalita ng ina.

"Mama, bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba?"

Narinig ni Chogel ang malalim na paghinga ni Melinda sa kabilang linya.

"Si Tito mo kasi.. Isinugod namin sa hospital."

Chogel can't help but curse under his breath. "Okay, 'Ma, susunod ako diyan.."

Naihilamos na lang ni Chogel ang palad sa mukha at sunod niyang tinawagan tinawagan ay si Andrea—ang pinsan ng kanyang nobyo.

NAGTATAKANG NAABUTAN ni Andrea na bukas ang gate ng bahay nila Chogel. Kaya sinarado niya na lang ito. She mental note na pagsasabihan niya ang pinsan na huwag kakalimutang isara ang gate dahil baka may makapasok na magnanakaw o mabangis na aso na nakawala sa kapit-bahay. May sariling susi si Andrea kaya hindi na nito kailangang kumatok para pumasok sa bahay nila Chogel at ni Jonathan na pinsan niya. Binigyan siya ng susi ni Chogel upang malaya itong tumuloy sa kanila anumang oras nito gusto. Lalo na ngayong mag-isa na lamang ito sa bahay nila Jonathan.

Madilim ang loob ng bahay kaya binuksan niya ang ilaw at bumungad sa kanya ang ilang kagamitan na nakakalat sa sahig. Napapalatak na lang siya pabang pinupulot niya ang mga gamit sa sahig. Sa isip ni Andrea, kaya tahimik ang bahay ay dahil sa natutulog ang pinsan niya, napapailing na napatingin siya sa nakasarang kuwarto ng pinsan. Nang malinis niya ang sahig ay ang kusina naman ang sinunod niya. She heave a heavy sigh as turn her eyes arround the messy dining table. Nalulungkot siya para sa pinsan. Hindi madali ang mag-move on sa lahat ng mga nangyari, kaya nauunawaan niya kung hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang pinsan sa pagkamatay ng daddy nito.

Nasa kalagitnaan na siya sa pagliligpit sa mga bote ng alak na nagkalat sa lamesa nang narinig niya ang pagbukas ng pinto. Kaya umayos siya ng tindig para lamang magulat nang paglingon niya, ay isang babae ang lumabas galing sa kuwarto ng kanyang pinsan. Hindi lang iyon basta babae, dahil kilala niya kung sino iyon—ang Ex ng kanyang pinsan.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon