Chapter 20

62 3 0
                                    

°°°20°°°

WHEN MAXINE GOT home, she immediately uploaded to her f-book all the photos she took earlier. She even tagged the two, so they could see them right away.

While she was charging her phone, she went to the bathroom to get a quick shower, before having dinner.

It was already six thirty in the evening, but the sun still had not yet sunk in the west. At that time, her mother Melinda was in the kitchen, waiting for their food to be cooked. She checked her phone, and she noticed the notification from Maxine's f-book account. She tapped it to take a look at it. She saw the photos that Maxine had uploaded, and by curiosity, she read the few comments below the photos.

Isa sa mga comment na nabasa niya ay mula sa nagngangalang, Blessy Sandoval, "OMG?! Max?! Magkakilala pala kayo ng baklang 'yan? Siya ang nanamantala sa boyfriend ko sa isang bar!" Ginatungan pa iyon ng iba pang nag-komento..

"Ohh.."

"What a revelation!"

"So scandalous.."

"The gay maniac! HAHAHA"

"Mga salot sa lipunan!"

At ang iba ay mga emoticons na tila sukang-suka ang mga ito sa dalawa. Sobrang natuon ang atensiyon ni Melinda sa pagbabasa ng mga comments kaya hindi niya namalayang umaapaw na pala ang niluluto niya sa sobrang kulo.

"'Yung niluluto mo, kanina pa unaapaw.. Tutok na tutok ka kasi sa cellphone mo diyan."

"H-huh?" Sa narinig ay doon lang nabaling ang atensiyon niya sa niluluto.

"Pinatay ko na at luto na, kaya kumain na tayo.."

"Ah, sige-sige, k-kumain na tayo. Si Maxine? Teka.. Tatawagin ko muna siya sa kuwarto niya," tila aligagang saad ni Melinda sa asawa. Napatitig sa kanya si Joseph ngunit hindi naman nagsalita bagkus ay napailing na lang dahil sa kakaibang ikinikilos niya.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Melinda, habang naglalakad siya patungo sa kuwarto ng anak. Hindi kasi niya alam kung sino ba sa dalawa ang tinutukoy ng mga nag-kumento sa pinost na pictures ng kanyang anak sa F-book. Kaya naman ay kailangan niya itong kumprontahin.

Naabutan niyang nagsusulay si Maxine sa harap ng salamin.

"Nagulat naman ako sa'yo 'Ma, can you please, knock the door?" Ngunit hindi pinansin ni Melinda ang sinasabi ng kanyang anak. Ni-locked niya ang pinto bago siya muling humakbang palapit sa anak.

"Nabasa mo na ba?"

Maxine's brows furrowed. "Ang alin?"

"Ang mga comment sa pinost mo.."

Mabilis naman na kinuha ni Maxine ang kanyang cellphone upang mabasa ang sinasabi ng ina na mga comments sa post niya, at gayo'n na lang ang pagbuka ng bibig niya dahil sa pagkabigla sa mga nabasa. Lahat ng mga comments ay mayroon ng angry reacts mula sa kanyang Kuya.

"Burahin mo na 'yan, ngayon din, bago pa mabasa 'yan ng ibang mga kamag-anak natin.." Kabadong tumango naman si Maxine at sinunod ang iniutos ng ina.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon