Chapter 29

19 1 0
                                    

°°°29°°°

FOR CHOGEL LAST NIGHT WAS THE BEST night he ever had. Nakangiting nagising siya sa narinig na paghihilik ni Jonathan sa tabi niya. Nakaunan ito sa balikat niya habang nakayakap sa kanya. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay talagang napagod ito sa ginawa nila kagabi. Napaka-awkward niyon pero napaka-exciting din at the same time.

Sa tulong ng ilaw mula sa lampshade ay pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Jonathan. Parang ito na yata ang pinakamaamong mukha na nakita niya sa balat ng lupa—mukha na parang inosente sa kabila nang naging kalupitan ng mundo sa buhay niya.

Hinalikan niya muna ito sa nuo bago niya maingat na inalis ang ulo ni Jonathan sa pagkakaunan nito sa balikat niya. Saka siya bumangon. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa bedside table nila. Tuningnan niya ang oras roon. It's quarter to six in the morning.

Wala siyang saplot kaya binuksan niya ang cabinet niya at kumuha ng short upang suotin.

Pagkatapos ay nag-unat siya habang naglalakad palabas sa kanilang kuwarto. Dumiretso siya sa main door ng kanilang bahay. Binuksan niya ang ilaw sa labas bago niya in-unlock ang pinto. Napapailing ulit siyang nang makita ang mga kalat nila kagabi. Iyon ang mga pruweba ng mga naging kaganapan sa kanilang dalawa ni Jonathan. Naroon pa rin ang mga naiwan nilang damit at upos ng sigarilyo at lighter.

Dinampot niya ang lighter at inilagay sa kanyang bulsa. Dinampot niya rin ang kanilang damit, pumasok muna siya upang ilagay ang mga iyon sa kanilang labahan at bitbit niya na ang walis at dustpan nang muli siyang lumabas. May nagsindi muna siya ng sigarilyo bago sinimulang magwalis. Sa una ay nauubo siya ngunit mabilis na nasanay ang lalamunan siya sa bawat paghithit niya ng usok sa kanyang sigarilyo. Mukhang dalawa na sila ngayon ng jowa niya na magiging smoker nito. Good luck na lang sa hika niya.

Tapos na siya sa pagwawalis at kasalukuyan niya na ngang itinataktak ang dustpan sa basurahan nang tumunog naman ang cellphone niya. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka kung sino ang tumatawag sa kanya nang ganito kaaga.

Si Mama lang pala..

"Hello, 'Ma.."

"Chogel, kumusta kayo diyan?"

"Okay lang naman kami dito 'Ma.." Humithit pa si Chogel ng sigarilyo bago muling nagsalita. "E, kayo ba, kumusta na diyan? Si Tito Pedro, nakalabas na ba sa hospital?"

Matagal bago nakasagot ang Mama ni Chogel. Iyon ang nagkumpirma kay Chogel na may problema nga, kaya napatawag sa kanya ang ina.

"'Ma, anong problema?"

"Si Tito Pedro mo.. K-kailangan na daw putulin ang binti niya." At hindi na nga napigilan ni Melinda na mapahagulgol sa kabilang linya. Sumisinghot pa ito saka nagsalita. "Kung hindi daw puputulin ang binti niya, ay baka ma-infection daw ang Tito mo.. Pero, Anak, wala na kaming pera. Hindi ko alam kung saan ako makakahiram pang-opera sa Tito Pedro mo.."

Humugot nang malalim na paghinga si Chogel. Parang kanina lang ay sobrang saya niya, pero ngayon ay sobrang nai-stress na rin siya. May ipon naman siya.. Kaya lang, ay para sana iyon sa bibilhin niyang motorsiklo, para hindi na siya palaging nagko-commute pagpapasok sa trabaho. Pero matitiis niya ba ang kaniyang ina?

"Magkano daw ba ang kailangan para maipaputol ang paa niya?"

"Eighteen thousand sa surgery.. Pero ang mas mahal ay ang mga gamot niya at ang mahal na rin ng bills namin dito sa hospital. Umabot na sa one hundred thousand pesos. Buti na lang may bawas pa dahil sa philhealth. Kaya naging seventy thousand na lang.."

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon