Chapter 16

53 2 0
                                    

°°°16°°°

MAXINE SQUEEZED her hands together and her body twisted while giggling at the scene she saw in front-si Chogel at si Jonathan na mahigpit na magkayakap sa sopa.

"Mama, sobrang tinamaan na talaga si Kuya kay Kuya Jonathan." That earned her a nudge from her mother, then she winced.

"Tumigil ka nga diyan!" Melinda clears her throat to get the couples' attention. "Pwede bang mamaya na 'yang lambingan niyo? Nandito pa kami, oh.."

"Si Mama talaga ang-aray!" Si Mexine na napadaing at hindi na natapos kung ano man ang sasabihin, dahil sa kurot ng ina sa tagiliran niya.

"Tapos na akong magluto, kumain na muna tayo.." ani Melinda at nauna nang pumunta sa hapagkainan. Ang magkapatid ay natatawa na lang na nagkatinginan, bago magkakasabay na sumunod ang tatlo sa kusina.

Magkatabi sa table sina Chogel at Jonathan at sa harapan naman nila ay magkatabi ang mag ina na sina Maxine at Melinda. Nakikita ni Melinda na nahihirapan si Jonathan habang kinukuha nito ang binti ng lechong manok, kaya pinatigil nito sandali si Jonathan para siya na ang kumuha niyon para sa nobyo ng kanyang anak. Gamit niya ang kitchen knife habang pinu-pwersa naman ng isa niyang kamay ang pagkuha sa binti ng manok.

"Thank you po.." tipid ang ngiting pagpapasalamat ni Jonathan kay Melinda nang ilapag nito sa plato niya ang lechong manok.

Tumango si Melinda. "So.. Jonathan, since you are already a part of our family. Can you tell us about yourself?" pagsisimula ni Melinda sa usapan.

"'Ma.." ungot ni Chogel sa pag-e-intriga ng Mama niya kay Jonathan.

Pinandilatan naman ni Melinda ang anak. "Bakit?.. May masama ba sa naging tanong ko?"

"Pine-preassure mo naman ang babe ko, e.." Bumaba ang mga mata ni Melinda sa braso ng anak nang umakbay iyon sa balikat ng katabing si Jonathan at walang pag-aalinlangang hinagkan ni Chogel ang kanyang kasintahan sa ulo nito kaharap ang ina at kapatid na babae.

"Gusto ko lang siyang makilala. At pwede bang huwag kang sumabat? Hindi ikaw ang kinakausap ko.." At itinuro nito ang nobyo ng kanyang anak. "Hijo, come on, tell us about yourself."

"I'm.. Jonathan po.. Twenty four years old. Sa kalayaan po ako ipinanganak at lumaki.." Jonathan don't know what he needs to say next, kaya halos makarinig na ang tatlo ng huni ng uwak sa kakahintay sa kasunod na sasabihin ni Jonathan.

"Nagtatrabaho ka na ba?"

"H-hindi pa po.."

Nagsalubong ang mga kilay ni Melinda. Walang kaso sa kanya na kaparehong kasarian ang pipiliin ng kanyang anak na maging kapahera, ngunit gusto niya munang makasiguro na mapapabuti ang kanyang anak sa makakasama nito kaya nais niyang makilala si Jonathan ng lubusan. "Bakit? Nag-aaral ka pa ba?"

"Hindi rin ho.."

"So tambay?"

"H-hindi naman po sa gano'n.."

"Anong tinapos mo?"

"Mama, tama na.." seryoso nang pag-awat ni Chogel sa kakatanong ng ina. Lumingon naman si Jonathan sa kanya.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon