Chapter 02

108 3 0
                                    

°°°02°°°

DIKIT-DIKIT NA ang mga tao sa gitna ng dance floor dahil sa sobrang dami, ngunit hindi iyon naging sagabal sa kanila sa walang humpay na pag-indayog nila sa malakas na tugtugin na kulang na lang ay bumasag sa kanilang mga eardrum. Lahat ay may sanib ng espirito ng alak.

Isa na doon si Jonathan. He doesn't care about his hung over tomorrow. Kung pwede nga lang ay gusto niya na lang maging ganito kalasing araw araw. Dahil ang kalasingan ay nagdudulot sa kanya ng artificial na saya at napapaniwala niya ang sarili na ayos lang ang lahat, panandaliang nakakalimutan niya ang mabigat na pagsubok na kanyang pasan pansan. At higit sa lahat being this wasted giving him the courage to be wild and free... Bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa church nila. At sa totoo lang ay sakal na sakal na siya.

Maraming bawal; Bawal ang alak. Bawal makinig ng mga music na hindi naman nagbibigay papuri sa Diyos. Bawal humanga sa mga sikat na tao - dahil ang Diyos lamang at ang Kanyang mga salita ang dapat hangaan. Bawal magmura, bawal maging magaslaw, bawal umibig sa hindi mo kapananampalataya, at bawal umibig sa kaparehong kasarian, bawal magkamali. In short bawal mong gawin ang karaniwang nagagawa ng mga tao. Dapat ka lang manatiling puro at banal na anuman ang sasabihin at gagawin mo ay dapat nakakalugod lamang sa Diyos.

Iyon ang kulturang nakagisnan niya sa Church nila. At pagod na pagod na siya. Pagod na siyang magpanggap na perpekto.

At least, sa gitna ng dance floor kung nasaan siya ngayon, he can be himself. Tulad ngayon na hindi niya alintana ang pawisan niyang katawan sa kakasayaw sa gitna ng mga tao. Nagpunta siya dito para uminom mag isa. Kaya mag isa din siyang pumuna sa dance floor para makisayaw din sa mga taong hindi niya naman kilala. Iyon nga lang halos lahat ay may mga kani-kanyang mga partner, ang iba ay magkaka-grupo. But he is too drunk to care about it.

Sa namumungay niyang mga mata ay nahagip pa rin ng kanyang paningin ang isang lalaking may kasayawang iba, ngunit hindi iyon nakatingin sa kasayawan nito kundi sa kanya. Bakit kaya panay ang tingin ng lalaking ito sa akin? In fairness ang cute niya. Siguro interesado siya sa akin.. With that in mind, Jonathan bite his lower lips and try his best as he could to swirling his body in a sexy way, his intention is to seduce that 'cute' guy. But minutes had passed ay hindi pa rin siya nilalapitan nito, ngunit panay pa rin ang tingin sa kanya hanggang ngayon.

Maybe.. I need to make a first move. Dala ng nainom na alak. Ay ipinagsiksikan ni Jonathan ang sarili upang lampasan ang ilang nagsasayaw na mga tao na nakaharang sa kanyang daan upang malapitan ang lalaki. Alam niyang aware ito sa paglapit niya at natitiyak niyang gusto naman iyon ng lalaki at marahil ay hinihintay nga siya nito para lumapit. Dahil kung mali ang hinala niya ay dapat lumayo o umiwas ito sa kanya. Nginitian pa siya ng lalaki nang patuloy lang siya sa pagsasayaw hanggang sa makarating na siya sa likuran nito at sinadya niyang bunguin ang lalaki para magka-dahilan siya na harapin ito.

"Oh, sorry.." kunwa'y hinnging paumanhin niya sa dalawa.

"It's okay.." His deep and baritone voice turn him on.

Tumingin naman si Jonathan sa babaeng kasayawan nito. "If you don't mind. Can I dance with him?"

Halata sa hitsura ng babae na hindi nito gusto ang hinihiling niya. Kaya naman ay hindi na hinintay ni Jonathan na magsalita ito at kaagad niyang ikinulong sa mga braso ang leeg ng lalaki habang patuloy siya sa paggiling.

"What's your name?" tanong niya na hindi na pinansin pagta-tantrums ng babaeng inagawan niya ng kasayaw at piniling magwalk-out na lang.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon