°°°15°°°
NAALIMPUNGATAN si Jonathan sa naramdamang daliri na gumagalaw sa pilik-mata niya, kaya dahan-dahan siyang dumilat. At si Maxine naman na tuwang-tuwa sa paglalaro sa mahahabang pilik-mata ni Jonathan habang ito ay natutulog- ay biglang umayos nang upo sa tabi ng kinahihigaan ni Jonathan. Kanina kasi ay bagot na bagot si Maxine, na wala siyang ibang ginawa kundi ang haplusin ang mga peklat nito sa braso. Ngayon pa lang niya nakita ang lalaking ito pero parang gusto niyang mag-sorry rito sa mga bagay na ipinaras ng mundo kay Jonathan kung bakit mayroon itong mga peklat sa braso. Mayamaya'y tinititigan niya na ang mukha ng natutulog na si Jonathan at doon niya na-realized na ang cute pala nito. He almost had a perfect shape of eyes, thick eyebrows and long eyelashes. Hindi na siya nagtataka kung bakit patay na patay dito ang Kuya niya. Kung hindi nga lang siguro boyfriend ng Kuya niya si Jonathan ay baka ito na ang susunod niyang magiging boyfriend, and she didn't mind it kung siya pa ang mangliligaw dito.
"Hi," nakangiwing bati ni Maxine sa boyfriend ng Kuya niya nang sa wakas ay gumising na rin ito. Bakas naman sa mukha ni Jonathan ang kaguluhan sa isip, kaya na-obliga si Maxine na magpaliwanag. "Ako nga pala si Maxine, half sister ako ni Kuya Chogel.. Ah, si Mama pala, lumabas lang sandali dahil kausap na naman sa phone ang customer niya. Hmm.. Hin..di mo ba natatandaan ang nangyari sa'yo kaya ka nandito?"
Parang sumasakit ang ulo ni Jonathan, kaya napamasahe ito sa magkabilaang sentido, habang inaalala ang mga nangyari na dahilan kung bakit siya napunta dito. Ngunit bago pa niya tuluyan iyon maalala, ay nauna na si Maxine na nagpaliwanag sa kanya.
"Nawalan ka daw ng malay sa mall. Naku, Kuya.. Kung alam mo lang kung gaano nag-alala sa'yo si kuya sa'yo kanina."
The word 'Kuya' was like a bell botton in Jonathan's ears and his tension get started.
"N-nasaan ang K-kuya mo?"
Maxine wanted to ease the tension she saw on Jonathan's face, so she started to joke arround by copying Jonathan's tone.
"U-umuwi m-muna s-siya.. Para k-kumuha ng d-damit niyo." Jonathan wants to stare at her flatly. But this is not a time for that, he just ignored her. Nababalisa siya sa posibilidad na baka makita ni Chogel ang tinatago niyang baril sa closet, kaya walang pagdadalawang isip na kaagad siyang bumangon. Napaalerto naman bigla si Maxine.
"Kuya, anong ginagawa mo?"
"Umalis na tayo dito please. Tawagan mo ang kuya mo.."
"Kuya, calm down! Hindi pa tayo pwedeng umuwi."
Alam ni Jonathan na wala siyang magagawa para makinig sa kanya ang kapatid ni Chogel. Kaya marahas na tinabig niya ang kamay ni Maxine na nakahawak sa kanya. At saka siya tumayo at mabilis na humakbang patungong pintuan.
"Kuya!" Sa pagkabigla ay halos napakurap lang si Maxine, pagkatapos ay namalayan niya na lang na nabuksan na pala ni Jonathan ang pinto at handa na itong tumakas. Kaya agad na hinampas ni Maxine ang botton ng entercom na nasa pader katapat ng bedside table, para tawagin ang doctor.
CHOGEL MAKES A background check about Jonathan. Gamit ang naiwang bukas na facebook nito ay nalaman ni Chogel kung saan nakatira si Jonathan at maging ang tungkol sa mga kasama nito sa kanyang bahay. Kaya matapos mai-deliver ang in-order na lamesa ay inihanda ni Chogel ang sarili para personal na puntahan ang bahay ng kanyang kasintahan, dala ang baril na pagma-may ari ng ama ni Jonathan. Nalaman niyang ang Daddy mismo nito ang nagmamay-ari ng baril na iyon dahil sa nabasa niya sa messenger ni Jonathan.
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...