°°°12°°°
"WHAT'S YOUR WORK?" hindi mapigilang tanong ni Jonathan kay Chogel habang sakay sila ng taxi pauwi. Dalawang araw na kasi silang magkasama at tuesday na ngayon, pero mukhang hindi naman pumapasok sa trabaho si Chogel.
"Sa call center.."
'"Hmmm.." he nooded. "Pero bakit parang hindi ka naman pumapasok?"
Jonathan felt Chogel's hand touched his lap. "Bago tayo magkita sa simenteryo ay nakapag-leave na ako sa work ng sampong araw.. May nag-advice kasi sa akin na magpahinga naman daw ako minsan, dahil puro na lang ako trabaho." Hindi siguro naalala ni Jonathan, ngunit ang tinutukoy ni Chogel na nag advice sa kanya na magpahinga naman at 'wag puro trabaho ay si Jonathan mismo. Iyon ay noong unang beses nilang magkita sa bar. Aalis na dapat siya no'n dahil may pasok pa siya ng 11 PM at isang oras na lang ay 11 PM na. Ngunit pinigilan siya ni Jonathan at sinabing umabsent na lang siya at sulitin na nila ang gabing iyon dahil hindi nila alam kung magkikita pa ba sila pagkatapos nang gabing iyon. "Ang galing nga, e. May purposed pala ang pag-leave ko ng ten days sa trabaho.. At iyon ay dahil magkikita ulit tayo.."
Hindi makapagsalita si Jonathan kundi ay matamang ibinaling niya na lang ang tingin sa labas ng bintana habang umeere ang kantang Kathang Isip mula sa Car Stereo. Kathang isip nga lang ba ang lahat ng ito? Ang saya at halaga na ipinaramdam sa kanya ni Chogel ay kathang isip lang? Dahil ang totoo naman talaga-ay isang sumpa ang buhay niya at wala siyang karapatang maging masaya, hindi siya mahalaga.. People arround him will always dissapoint of him because they're always expecting the best of him, but unfortunately, he never became the best. For him he is such a failure, and his life on this earth is just a mistake.
Dapat ay masaya si Jonathan sa narinig, pero mas nakakaramdam siya ng selos. Iniisip niya kung sino ang taong iyon na nag-suggest kay Chogel na magleave ito ng sampong araw. Siguro.. special sa kanya ang taong iyon.
"Hey.." Bahagyang ipinabaling ni Chogel sa direksiyon niya ang ulo ni Jonathan para tingnan siya. "Are you okay?" he asked.
Jonathan smiled and nooded. "Of course.."
Hindi na nag-imikan pa ang dalawa hanggang sa tuluyan na silang makauwi. Nasa loob na sila ng kuwarto, at kasalukuyang nag-aayos ng cabinet si Chogel habang nakahiga naman sa kama si Jonathan at nagse-cellphone.
"Babe, add mo naman ako, oh.." Kunot ang nuong napatingin si Jonathan kay Chogel, nasa kamay nito ang patong-patong na nakatuping damit.
"Add saan?"
"Sa facebook.."
"Ahh.." Saka tumayo si Jonathan para lumapit kay Chogel iniabot niya ang hawak na phone sa binata. "Please, type your name."
"Okay." Napakibit-balikat pa si Chogel at ipinasok muna sa closet ang panghuling mga damit na kinuha niya sa drawer. Saka nito tinanggap ang phone ni Jonathan na regalo niya rito. "Done.. Thankyou!"
Nang ibalik ni Chogel ang phone ay ipinasok na iyon ni Jonathan sa bulsa. "Anong ginagawa mo?" pag-usyoso niya.
Tinapik-tapik ni Chogel ang drawer niya na wala na ngayong laman. "Dito mo ilalagay ang mga damit mo."
Napatingin si Jonathan sa bag niyang pinaglalagyan ng kanyang mga damit, nakatabi iyon sa gilid ng kama.
"S-sure ka?"
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...