Chapter 22

27 1 0
                                    

°°°22°°°

ISANG MALAKAS na pag-alingawngaw nang putok ng baril ang tuluyang nanggising kay Jonathan sa katotohanang kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay nang nag-iisa.

Litong-lito si Jonathan, nang paglabas niya sa opisina ni Doc Mandy, ay naabutan niyang mugto ang mga mata ng kanyang pinsan na si Andrea.

"K-kailangan nating pumunta ng hospital.." Halata ang panginginig ng boses ng pinsan nito. "Si T-tito k-kasi.. N-na.. n-na.."

Hindi napigilan ni Jonathan na magtaas ng boses sa pinsan. Bigla kasing lumakas ang kabog ng dibdib niya, sa hindi maipaliwanag na dahilan sa kung anuman ang sasabihin nito. "Na-ano?! Anong nangyari kay Daddy?!"

Naitungo ni Andrea ang kanyang ulo, at ilang beses pa siyang napalunok. Hindi niya kasi alam kung saan kukunin ang mga salita upang sagutin ang katanungan ni Jonathan. "Nabaril daw siya sa presinto.."

Nang gabing iyon, ay sabay-sabay silang sumugod sa hospital kung saan daw dinala ang ama ni Jonathan.

Halos lumuhod pa si Jonathan sa pagmamakaawa sa mga nurse na humaharang sa kanya sa kagustuhan niyang makapasok sa operating room. Pinakawalan lang siya ng mga nurse nang lumabas mula sa operating room ang isang lalaking doctor.

"Your dad, wants to talk to you.."

Pinilit ni Jonathan na tumayo sa kanila ng panginginig ng mga tuhod niya. Ayaw man niyang isipin, ngunit may ibang kahulugan ang sinasabi ng doctor base sa mga mata nito.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pintuan, nang muli siyang mabuwal. Mabuti na lamang ay may mga brasong mabilis na sumalo sa kanya.

"Sasamahan kita sa loob.." Tinig iyon ng nagma-may ari ng mga brasong nakaalalay sa kanya.

Sabay nilang tinungo ang loob ng operating room. At ilang segundong nakalimutang huminga ni Jonathan sa nakikitang kalagayan ng kanyang ama; Puno ng dugo ang kulay puting T-shirt nito. Hirap man sa paghinga ay nakangiti pa rin silang hinihintay ni Raul na halatang hirap na sa paghinga.

"A-anak.." Napapikit si Jonathan sa narinig. Iyon kasi ang unang pagkakataon na tinawag siya nitong anak.

"Daddy.. Nandito na kami.." Hawak niya nang mahigpit ang kamay nito. Pinipilit niyang maging matatag, pero kusang kumakawala ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"S-sorry.."

"Shh..." pagsitsit nito. "Huwag mong sabihin 'yan. Uuwi tayo sa bahay 'di ba.. M-magpapagaling ka.. L-lalakas ka.. A-at.. magsisimula tayo ulit.."

Ngunit parang walang narinig si Raul. Nakatingin lang ito sa kisame habang hinahabol ang hininga. "S-sorry sa lahat nang masasakit.. na ipinaranas ko sa 'yo.."

"Dad.. Wala na 'yon.. Kalimutan na natin 'yon.."

"Sorry, dahil kahit kailan hindi kita pinakinggan.. Hindi ko naipadama sa 'yo ang pagmamahal na hinahanap mo sa isang magulang. Pero alam mo anak.. Proud ako sa 'yo.. Proud ako sa lahat ng mga pinatunayan mo. Na sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa'yo.. Ay natuto kang tumayo at maging matatag.. Ipangako mo anak.. na k-kahit.. Wala na kami ng Mama mo.. Ipagpapatuloy mo pa rin.. Ang buhay.. Ang mga pangarap namin.. p-para sa sa 'yo.."

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon