Chapter 31

26 0 0
                                    

°°°31°°°

HABANG YAKAP ANG INA, ay hinahagod ni Chogel ang likod nito upang pakalmahin. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng sarili niyang katawan. Nabibigla siya at litong-lito rin sa mga nangyayari, ngunit kailangan niyang manatiling matatag, dahil alam niya na sa pagkakataong ito, ay siya na lang ang mapagkukunan ng ina, ng lakas ng loob, para harapin at lampasan ang nakagulong sitwasyon at napakabigat na pagsubok na ito.

Mariin siyang lumunok, upang pawiin ang panunuyo ng kanyang lalamunan. "'Ma, anong nangyari? B-bakit nasa loob ng emergency room s-si Maxine?" Sinasabi niya iyon habang pinupunasan ang basang mukha ng kanyang ina.

"Na-aksidente daw—" Hindi pa nga tapos sa pagsasalita si Melinda, ay napaluhod na ito, saka muling hunagulgol. Itinukod naman ni Chogel ang kanyang tuhod sa semento, upang mapantayan ang ina. "—Magiging okay ang lahat, hindi ba? Magiging okay lang ang kapatid mo!"

Nanghihingi ng assurance ang mga mata ni Melinda na nakatitig sa anak. At sa kabila ng nakikita niyang kaguluhan at takot sa mga mata ng anak, ay nagawa pa rin ni Chogel ang ngumiti. Bagay na ipinagpapasalamat niya. Hindi niya alam, kung paano niya haharapin ang lahat ng ito, kung wala ang kanyang anak. He is so proud to her son, dahil sa ipinamalas nitong katatagan na maaari niyang masandalan.

"Everything will gonna be okay, 'Ma. Si Maxine pa ba! Mas matibay pa kaya 'yon, kaysa sa 'kin!"

Hindi inalis ni Chogel ang kanyang ngiti sa labi, kahit na sa totoo lang ay napakahirap; napakahirap hanapin ang liwanag ng pag-asa—kung nababalot naman ng kadiliman ang buhay mo. Napakahirap ngumiti, upang bigyan ang sarili mo, na kahit na kaunting saya lamang, napakahirap magpanggap na okay lang ang lahat.

Lumingon siya sa kanyang likuran sa pag-aakala na makikita niyang nakatayo pa rin doon si Jonathan, ngunit wala na pala ito. Inalalayan niya ang kanyang ina na maupo muna sa metal na mga upuan, saka siya nagpaalam na lalabas muna upang hanapin ang kanyang nobyo.

Paglabas niya ay hindi nga siya nagkamali nang inakala. Nakita niya si Chogel sa tabi ng street vendor na nagyoyosi. Kitang-kita niya rin na kinuha nito ang cellphone nito sa bulsa. Akala niya ay tatawagan siya nito kaya kinuha niya rin ang sariling telepono. Ngunit nakita niyang may kinakausap na si Jonathan sa phone nito, ngunit wala pa rin siyang natatanggap na kahit anong tawag.

May iba itong kausap...

At sino iyon?

Wala sa sariling naipilig niya ang kanyang ulo, upang iwaksi sa kanyang utak ang mga hindi magagandang bagay na kanyang naiisip. Napakarami niya ng mga problema at ayaw niya nang dagdagan pa iyon.

Hanggang sa matapos si Jonathan sa pakikipag-usap nito sa kung sinuman. Ay nanatili pa ring nakatayo si Chogel at patuloy na pinapanood ang ginagawa ng nobyo. Halatang balisa ito, kaya bumili ulit ito ng sigarilyo at energy drink na maiinom. Ilang minuto pa ang lumipas ay may humintong lalaki na nakamotor sa harapan ni Jonathan. Mula sa malayo, ay kitang-kita ni Chogel kung paanong isinuot ng lalaki ang helmet kay Jonathan at pagkatapos ay mabilis na umangkas ang kanyang nobyo sa motor nito.

Hindi namalayan ni Chogel na nakakuyom na pala ang kanyang kamao. Tumayo siya at naglakad palapit sa vendor na pinagbilhan din kanina ni Jonathan ng sigarilyo.

"Isa nga pong Marlboro red.."

Sinindihan niya iyon at hinigop niya nang malalim ang usok nito. Hanggang sa maubos ang kanyang sigarilyo ay binitawan niya na ito at pinatay ang upos sa pamamagitan ng pagtapak dito. Kinuha niya ang cellphone ngunit hindi naman niya ito ginagamit, nakatitig lamang siya sa screen ng kanyang telepono, kinukumbinsi ang sarili na ang kanyang nakita kanina ay hindi totoo at anumang sandali ay tatawagan siya ng nobyo para hanapin. Ngunit niloloko lamang niya ang kanyang sarili dahil alam naman niya, na kahit tubuan pa siya ng ugat sa kanyang kinatatayuan ay wala pa rin siya mare-received na tawag mula kay Jonathan, dahil sumama na ito sa ibang lalaki. Iyon ang katotohanang dapat niya na sigurong tanggapin. Na iniwan na siya nito sa gitna nang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon