°°°09°°°
KASALUKUYAN PA ring nagluluto si Chogel ng adobong manok nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa lamesa.
Pinahinaan niya muna ang apoy sa kalan bago niya sinagot ang tawag na nakasulat sa screen ang pangalan ng kanyang ina.
Melinda's
Calling..."Yes, 'ma?"
"Nasaan ka?"
Ini-speaker niya ang phone at muli itong nilapag sa lamesa para ipagpatuloy ang paghahalo niya sa adobong malapit nang maluto.
"Bahay.. Bakit ka pala napatawag 'ma?
"Bakit, masama bang tawagan ko ang aking anak kahit walang dahilan?" Hindi nakasagot at napabuntong hininga na lang si Chogel. At kinuha niya ang mangkok na paglalagyan niya ng ulam. "Diyan ako matutulog sa ngayon.."
"Ano?!" Gulat na agad naipatay ni Chogel ang kalan.
"Oh, may reklamo ka?"
"Bawal kang matulog ngayon dito? Sa ibang araw na lang. M-magulo ang bahay, naglilinis ako.."
"E, ano naman? Kailan pa ako naginh maselan? Hoy, Chogel. Noong bata ka pa ako pa ang nag-iilo ng pwet mo, kaya tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mong 'yan.."
Asar na napakamot sa ulo si Chogel, kulang na lang ay maipadyak na rin nito ang mga paa sa inis. "Basta, bawal kang pumunta ngayon dito. Bukas na lang, gabi na!"
"Chogel, umamin ka nga.. May itinatago ka ba diyan sa bahay mo kaya ayaw mo akong papuntahin?"
"H-hindi, wala! Bukas ka na lang kasi pumunta dito.."
"Naku, hindi na ako pwedeng bumalik pa sa bahay ngayon. Naasar ako kay Pedro! Inaatake na naman ng sakit niya. Oh, siya.. Mamaya na lang tayo mag usap pagdating ko diyan."
"Pero 'ma-" Then the call ended.
Sabi ng mama niya ay isang tricycle na lang ang sasakyan nito papunta sa bahay ni Chogel. Kaya wala na siyang magagawa pa para pigilan ito. Ang magagawa niya na lang ay ihanda ang sarili upang magpaliwanag sa ina.
Balisa na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok bago siya naglakad papasok sa kanyang kuwarto, para lang lalong mabalisa dahil wala na doon si Jonathan. Binuksan niya ang CR pero wala ding tao doon. Wala rin sa labas ng bahay. Sa kalsada ng kalye nila, pero hindi niya pa rin makita si Jonathan.
Obviously, ay umalis na ito nang hindi man lang nagpaalam sa kanya. Pero imbes na magalit ay lalo pa siyang nag aalala para rito.
"Oh, anong nangyari sa 'yo at nakatulala ka diyan?" anang kanyang ina, nang madatnan siya nito na nakaupo sa sofa at malalim ang iniisip, ni hindi nga nito napansin ang pagdating niya.
Tuwid na napatayo si Chogel.
"Mauna ka nang kumain 'ma. May kailangan lang akong puntahan." Nagtatakang sinundan ni Melinda ang mabilis na paglalakad ng anak patungo sa kusina at kinuha ni Chogel doon ang cellphone na inilapag nito sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...