Chapter 04

100 4 0
                                    

°°°04°°°

NAPAKURAP-KURAP si Jonathan sa mga salitang narinig mula sa ama. Lagi na lang nitong ipinamumukha sa kanya kung gaano siya kahiyahiya bilang anak nito-kahit pa bago kumalat ang scandal niya-ay never niyang naramdaman na itinuring siyang anak nito. Bakla daw kasi siya, kaya ni minsan ay hindi siya ipinakilala ng ama niya sa mga kumpare nito bilang anak, sa tuwing nag iinuman ang mga ito sa kanilang bahay. At sa tuwing nalalasing, ay siya ang palaging pinagbabalingan ng galit nito. 'Wala akong anak na bakla!' Iyon ang palaging binubulyaw sa kanya ng ama.

"Hindi ka ba nasasanay? 'Di ba noon pa man ay ikinahiya at itinatakwil niyo na ako bilang anak? Kaya dapat ang kahihiyan kong ito ay hindi na bago sa inyo. Noon pa man kahiyahiya na talaga ako. Kaya ni minsan ay hindi niyo ako itinuring na anak.. Para sa inyo isa lang akong sa inyong paningin!" Hindi niya ugaling sumagot sa ama, sa tuwing galit ito sa kanya, nananahimik lang siya. Hindi siya umiiyak at iniinda na lang ang sakit sa tuwing papaluin siya nito ng sinturon o kahoy, o 'di kaya naman ay pipingutin at pagsasampal-sampalin. Pero tao lang siya tulad ng iba na may limitasiyon din ang pasensya, kaya napilitan siyang sagutin ang ama. Namula at halos lumabas ang mga ugat sa nuo ng kanyang ama habang nanglilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Anong gusto mong palabasin? Na matapang ka na? Kaya kaya mo nang lumaban?!" Dinig na dinig ang malakas na boses ni Raul sa labas ng kanilang bahay. Noon ay normal nang marinig ng kanilang mga kapitbahay ang malakas na boses ni Raul habang pinapagalitan nito ang anak. Hindi kasi pwedeng lumipas ang isang linggo na hindi pinagagalitan ni Raul si Jonathan. Pero mula nang may ipakilala noon si Jonathan sa kanya na girlfriend nito ay unti-unti nang nagbago ang pakikitungo niya sa anak. Katunayan ay ngayon na lang ulit na narinig ng kanilang kapitbahay ang pagbubulyaw ni Raul sa kanyang anak.

"Kung sasabihin ko sa inyo na oo, matapang at kaya ko nang lumaban.. anong gagawin mo? Bubugbugin mo na naman ako?"

"Aba'y puta-" Susugurin na dapat siya ng ama, ngunit maagap itong napigilan ni Andrea.

"Tito.. Huwag!" Saka tumingin sa kanya ang pinsan. "P'wede ba, alam mo namang galit na si tito gagatungan mo pa!"

Tumaas lang ang kilay ni Jonathan at napangisi. Alam niya kasing kaplastikan lang ang pag aawat nito sa daddy niya. Maraming beses na siyang binubugbog ng kanyang ama pero ni minsan ay hindi umawat dito ang pinsan niya. Kaya nga hindi niya maintindihan kung anong drama nito ngayon.

"Wow.. Concern yarn?" sarkastiko niyang tanong na hindi pa rin naaalis ang pagtaas ng kaliwang kilay.

"Bitawan mo ako, Andrea!" Malakas at ma-otoridad ang boses ng ama ni Jonathan, kaya walang pagdadalawang isip na agad na dumistansya nga si Andrea. Hinintay lang ni Jonathan na makalapit sa kanya ang ama at hindi na siya nagulat nang muli ay malakas na dumapo ang matigas na palad ng ama sa kanyang mukha na halos ikaalog ng utak niya. Pero naging manhid na siya sa nag u-umapaw na emosiyon na nararamdaman. His sanity and emotion cannot handle anymore of how much he had on his plate. Masyadong marami at nagkanda-patong patong na ang pagsubok na kanyang kinakaharap; Ang naging issue niya sa church, ang scandal niyang kumakalat ngayon at ang lifetime problem niya sa pamilya niya.

"Wala kang kwentang anak! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si Nimfa!" pagtukoy nito sa namayapa ng asawa. At muli pang nasundan nang isa pang malakas na sampal sa kabilang pisngi niya.. na mabilis na nasundan nang isa pa..

At isa pa..

At isa pa..

Hanggang sa dumudugo na nga ang bibig ni Jonathan ay hindi pa rin tumigil ang ama sa kakapanakit sa kanya. Naroong sasakalin pa siya nito, dadagukan at sisipain.. kulang na lang ay patayin na siya nito. Ngunit napagod na lang ang ama sa pangbubugbog sa kanyang anak ay nanatili pa ring walang emosiyon si Jonathan. Ni hindi nito sinalag ang ama upang kahit papaano ay maprotektahan ang sarili.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon