Chapter 23

27 1 0
                                    

°°°23°°°

"ANO 'TO MONA?" Puno nang kalituhan at pagkamangha ang makikita sa mga mata ni Jonathan, kaharap ang dating kasintahan nito na nakatayo ngayon sa labas ng kanilang tarangkahan, na may dala ng dalawang bote ng wine na nasa supot.

Nakangiting nagkibit-balikat lamang ang tinawag nitong Mona, at hindi na hinintay na patuluyin siya nito, kusa na itong naglakad papasok ng bahay.

Napapasabunot na lamang sa sarili si Jonathan na nakalimutan nang isara ang gate, na sumunod sa kanyang hindi inaasahang panauhin.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. P-paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

Hindi pa rin sumasagot si Mona, feel-at-home pa rin itong nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa kusina. Inilapag nito sa mesa ang bitbit na supot.

"Mona.." Nakukulitang ulit ni Jonathan sa pangalan ng kanyang Ex. Noong sila pang dalawa, hindi sa pangalan nito kung tawagin ni Jonathan ang babae, kundi honey. Iyon kasi ang gusto ni Mona na tawagan nila noon..

"Kay Tito.." Napakagat-labi si Mona at lihim siyang humingi nang paumanhin sa tatay ng ex nito, dahil nagamit niya pa ito sa kanyang kasinungalingan.

"K-kay Daddy?" Tito kasi ang nakasanayang itawag ng Ex ni Jonathan sa kanyang daddy noong silang dalawa pa.

Taas ang mga kilay na pinanindigan na lang ni Mona ang pagsisinungaling nang humarap siya sa dating nobyo. "Yes.. And I'm sorry.."

Lalo namang dumiin ang pagsasalubong ng mga kilay ni Jonathan. "Whats your sorry for? For coming here without informing me? Okay, appoligized accepted, you can go out now."

Tila batang nag-pout pa si Mona, at sanay na si Jonathan sa ugali nitong iyon dahil ganoon din siya noong sila pa. Ngunit hindi si Mona. Labis siyang nasasaktan sa ginagawang pagtataboy sa kanya ng dating kasintahan. But she good in hiding.. Gano'n din naman ang ginagawa niya noong sila pa. Naitatago niya ang sakit, sa malamig na pakikitungo noon ng nobyo sa kanya. "You're so mean.. Kararating ko lang pinapaalis mo na ako.. Hindi ba ako welcome dito?"

Hindi..

Iyon ang gusto sanang isagot ni Jonathan. Naisuklay na lamang nito ang mga daliri habang napapabuntong hininga.

"Hindi ko kasi ito bahay.."

"Oh? Bakit dito ka nakatira?.." sarkastikong tanong ni Mona.

Mariing napapikit si Jonathan, ayaw man niyang sabihin kay Mona ang totoo pero alam niyang may karapatan din nitong malaman. "Dahil hindi alam ng ka-lived in ko na may darating akong bisita ngayon.."

Mona already expecting this to happen. That's why she has a plan B.

Napaawang ang mga labi ni Jonathan sa nakitang pagpatak ng mga luha sa pisngi ni Mona.

"Nagbago ka na talaga.. K-kung itrato mo ako.. Parang wala na ako para sa'yo.. Parang kailanman ay hindi ako naging bahagi ng buhay mo." Maaaring nagda-drama lamang si Mona-na bahagi ng kanyang plan B-ngunit totoo ang mga luha nito. Nasasaktan siya.. At hindi niya pa rin matanggap ang katotohanang hindi na siya ang nasa puso ng kanyang kasintahan. "Tanggap ko naman na may iba ka na.. Pero sana.. 'Wag mo naman akong ipagtulakan papalayo.. Sana papasukin mo pa rin ako sa buhay mo.. K-kahit hanggang kaibigan lang.."

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon