°°°21°°°
TATLONG BAGAY ANG maaaring maipadama sa atin ng kadiliman; At ito ay takot, lungkot at pwede ring kapayapaan..
Sa sitwasiyon ni Jonathan habang patuloy siyang naglalakad sa tila walang hanggang kadiliman, ay sabay-sabay iyong ipinapadama sa kanya ng mga boses na kanyang naririnig..
"A-than.." Iyon ang madalas na tawag sa kanya ng kanyang tiyuhin na si Enoc. "Nandiyan ka ba? Nandito na ako.."
"Anak.." boses naman iyon ng kanyang ina. "Dahil sa'yo, kaya ako namatay.."
"Tanggap kita.. Kahit ano pang ang nakaraan mo.. Kaya please, huwag mo akong iwan, balikan mo ako.." Iyon naman ay si Chogel.
Hindi niya nakikita ang mga ito, dahil nasa kalagitnaan siya ng kadiliman. Ngunit ang mga boses na iyon ay dinig na dinig niya na para bang nasa tabi lamang niya ang mga ito.
"A-than.. Nandito ako sa likuran mo.. Lumingon ka.. Sige.. Lumingon ka.." Sa sobrang takot sa tiyuhin ay tumakbo nang tumakbo si Jonathan. Ngunit ang boses na iyon ay palakas nang palakas.. "A-than.. Ayan na ako.."
"Anak.. Bakit mo ako hinayaang mamatay?!"
Napatigil at napqupo na lang si Jonathan. Mas gugustuhin niyang nasa kadiliman na lang siya, upang magtago. Dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga boses na iyon. Pero isang boses ang muli niyang narinig na nagbigay ng dahilan sa kanya upang hanapin ang liwanag..
"Babe.. Please come back to me, I love you.."
"NIGHTMARES.. ay isa sa mga episodes na nangyayari sa mga taong may traumatic experrience.." pagpapaliwanag ni Mandy sa kanila. Naroon sa kuwartong iyon sina Chogel, ang mama at kapatid nito, maging ang tatay ni Maxine na si Joseph, ang Daddy ni Jonathan at si Andrea.
Mahigpit na hawak ni Chogel ang kamay ni Jonathan, na panay ang pag ungol, habang ang ulo nito ay pabaling-baling. Mabibigat din ang bawat paghinga nito..
"Don't worry, normal lang 'yan sa tuwing umaatake ang depression niya. Pero mayamaya din ay kakalma na din siya.." Si Mandy, matapos nitong turukan nang kung ano ang binabangungot na si Jonathan. Perhaps thats something that latter to calm down.
Napapatakip na lamang sa bibig si Melinda, habang pinagmamasdan niya kung paano bangungutin ang wala pa ring malay na si Jonathan. Bakas sa mga mata nito ang awa para sa nobyo ng kanyang anak. Ang tatay naman ni Jonathan ay hindi makatingin sa anak, sobra siyang nakokonsensya sapagkat alam niya na isa siya sa mga nagbigay ng trauma sa kanyang anak. Napupuno na naman ng galit ang kanyang puso, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa.
"Excues me, sagutin ko lang 'to.." paalam niya sa mga kasama at agad nang lumabas ng kuwarto.
"Pare, may goodnews ako.." bungad ng kumpare niyang pulis.
"Ano 'yon, P're?"
"Wala sa Gensan ang magaling mong bayaw.." Wala sa sariling naikuyom ni Raul ang mga kamay niya at masamang napatitig sa dingding habang hinihintay ang sagot ng kanyang kumpare.
"Nasa Cainta. Huwag kang mag alala, dahil nahuli na siya at nasa Cainta Jail na siya.."
"Sige, pupunta ako.."
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...