Chapter 18

38 2 0
                                    

°°°18°°°

MABILIS ANG PAGHAKBANG ng mga paa ni Jonathan palabas ng simbahan. Walang misa, ngunit marami ang mga taong naroroon; mga bata na naglalaro, mga kabataan na nagkwekwentuhan, mga may gulang na at maging matatanda na nagdadasal, habang ang iba naman ay nagsisindi ng mga kandila. The church is thier sanctuary from the cruelness of this world, that Jonathan once had felt. But everything change rapidly, when his secrets has leaked inside the Church. Kaya naman ay hindi gaya ng mga taong naroroon ngayon, pakiramdam ni Jonathan ay hindi siya welcome sa lugar na iyon.

Nagkamali siya..

Nagkamali na naman siya sa pag-aakalang mapapagaan nang kumpisal na iyon ang kalooban niya. Dahil sa mga oras na ito.. Pakiramdam niya ay siya na yata ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Ang dami niyang nabigo dahil sa sinukuan niyang kahinaan. Kahinaan na matagal niya nang itinatago..

Ang kahinaan sa laman.

Papalabas na sana siya nang mapansin niya ang isang lalaki na papasok naman sa simbahan-na may kakaibang tingin sa kanya. Medyo namumula ang mga mata ng lalaki pero hindi iyon nakabawas sa ganda ng mga mata nito. May pagkasingkit kasi siya at maganda ang korte ng may kakapalang mga kilay nito. Tila nang-aakit ang tingin nito na ang mahinang tulad niya ay walang lakas upang mapaglabanan ang tuksong hatid nang simpleng tingin na iyon. Ni hindi niya magawang ialis ang kanyang mga mata sa lalaki, habang ang kanyang bawat paghakbang ay unti-unting bumabagal.

Bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong sa direksiyon niya patungo ang lalaking kanyang nakakatitigan.

"Hi," bati nito na para bang matagal na silang magkakilala.

"H-hi.." naiilang niyang sagot.

"Hmm.. Taga-dito ka ba? Bago lang kasi ako sa lugar 'to at wala pa akong kakilala kahit na sino dito. Kaya baka pwedeng makipagkilala sa'yo?"

Napaawag ang bibig ni Jonathan. "Ah.. Ahm.." Ngunit bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay nailahad na ng lalaki ang kamay nito sa kanya.

"I'm Peter John, just call me PJ.. and you?"

Bagamat hindi alam ang gagawin ay tinanggap naman ni Jonathan ang kamay ng lalaki na nagpakilala bilang si PJ. "Jonathan.."

"Cool! Bagay sa'yo ang pangalan mo.. Lalaking-lalaki." Ngumiti ito at doon ay nakita ni Jonathan ang malalalim na dimples ni PJ na lalong nagpa-attract dito.

"Pwede ka ba?"

Napakurap-kurap tuloy si Jonathan, dahil iba ang dating sa kanya ng tanong na iyon. But he can't just assume, so he have to ask. "Pwede saan?"

"For fun.." Tumaas-baba pa ang mga kilay ni PJ, kaya lalo tuloy nabigyan ni Jonathan nang ibang kahulugan ang sinasabi nito.

"What do you mean for fun?"

"Hmm.. Ikaw ba, what's fun is for you?"

"Depends.."

"Safe answer."

"I'm sorry PJ, not to be mean but can you make it straight to ths point?"

Nag-clear throat muna si PJ saka lakas-loob na inilapit nito ang bibig sa tenga ni Jonathan. At nang marinig niyang ang mababang boses nito at maramdaman ang lamig ng hininga nung lalaki ay mabilis na nagsitayuan ang mga balihibo niya.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon