°°°17°°°
DALA ANG FELT-TIP PEN at isang malinis na papel, ay nagpunta si Jonathan sa kusina. Isinulat niya sa papel na may pupunta lang siya at idinikit niya iyon sa refrigerator, upang paggising ni Chogel mamaya ay mabasa niya ito
Maaga siyang gumising at naghanda sa sarili para sa pakikipagkita niya kay Ellen. He swear to himself na papatayin niya si Ellene; At kapag sinabi niya ay gagawin niya at walang makakapigil sa kanya. Kailanman ay wala pa siyang ipinangako na napapako. Ang araw na ito ay matagal na niyang plinano. Marami siyang gustong sabihin kay Ellene ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil gusto niya iyong sabihin nang personal. Gusto niyang makita ang magiging reaksiyon nito bago niya ito patayin.
Nakangiti pa siya habang pinagmamasdan ang hawak na maliit na bote na naglalaman ng Cynide-isang nakamamatay na lason, bago niya ito itinago sa loob ng dala niyang Sling Bag, saka siya tuluyang naglakad paalis.
Palibhasa ay maaga pa at weekend, ay wala pang isang oras ay nakarating na siya sa coffee shop kung saan sila magkikita ni Ellene. Nasa labas siya ng coffee shop at naninigarilyo nang matanaw niya ang pagbaba ni Ellene sa kotse nito matapos itong mag-park sa harap.
Bagama't nakangiti habang naglalakad palapit sa kanya, ay bakas sa mukha ni Ellene ang pagkagulat nito nang makita siyang naninigarilyo.
Plastic..
"Hi!" malugod nitong bati kay Jonathan nang makalapit ito sa harapan niya.
Wala namang ekspresyong ipinapakita si Jonathan. Bagkus ay muli itong humithit ng sigarilyo bago niya iyon itinapon sa kung saan. "Let's go, inside.." Malamig na tono ng boses ni Jonathan.
Tumango naman si Ellene bago sumunod kay Jonathan na naglalakad papasok ng shop.
Nasa harapan na sila ng counter at nakatingala sa menu.
"Ano'ng sa'yo?" wala pa ring ekpresyon ang mukha ni Jonathan nang lumingon ito kay Ellene para magtanong.
"Ahh.. Caffè Mocha sa 'kin," sagot ni Ellene. Humarap muli si Jonathan sa staff na mukhang pang tulog. Open twenty four hours kasi ang coffee shop na kanilang pinuntahan.
Binasa ni Jonathan ang pangalan sa name tag ng babae bago niya sabihin rito ang kanyang order. "Isang Caffé Mocha at Caramel Macchiato, please."
Nakangiting tumango ang babae habang nagpipindot sa POS. "Noted, Sir. Anything, po?"
Jonathan shook his head. "Nothing else. Thank you!"
"Ano pong name ang ilalagay ko?"
"Jonathan and she is Ellene."
Kinalabit ni Ellene si Jonathan para iabot dito ang kanyang bayad sa mga in-order nito.
"What's that?"
"Bayad ko.."
"No need. Sagot ko na."
"S-sure ka?"
"Mukha ba akong hindi sigurado?" Sigurado ako sa desisyon kong papatayin kita..
Nagkibit-balikat na lang si Ellene, at sabay na silang naglakad patungo sa isang table kung saan nila hihintayin ang kanilang in-order.
"Kumusta ka na pala Jonathan?" Hindi nagsalita si Jonathan bagkus ay seryoso niya lang na tinitigan ang kaharap. "Kumusta na sa Church niyo?"
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...