°°°25°°°
DAYS HAD PASSED and it seems like everything was back to normal. In fact, sa araw na ito ay kasalukuyang nagkakasayahan sa bahay nila Chogel at Jonathan. Because today, Chogel just turning 27 years old, while Jonathan turned 24 last three months.
"Happy birthday!" Melinda greeted to her son. She is the one holding a cake where there's a candle that stands in the middle of it.
The smile on Chogel face was genuine and never faded since he woke up and saw Jonathan beside him— the person whose first greeted him for his very special day, a person that he love the most. And now, he surrounded by a few people whose very important for his life.
His family.
And he considered Jonathan as part of his family too, because he is his partner.
Three days ago no'ng sabay silang nagpunta sa hospital upang bisitahin ang ama ng kapatid niyang si Maxine—ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Chogel at kaagad niyang ibinalita sa ina ang nangyari.
"'Ma.." Napalingon sa gawi nila si Melinda, na mabilis tumayo pagkakita sa kararating lang na anak, kasama ang nobyo nito na tila kagigising lang.
Sinalubong ni Melinda nang mahigpit na yakap ang anak. Ilang linggo na rin kasi niyang hindi nakita ito, dahil hindi niya maiwan ang asawang may sakit. Wala roon si Maxine dahil nasa skwelahan ito.
"Buti nakapunta ka. Salamat sa inyong dalawa.."
"'Ma.. Alam na niya.." Nagsalubong naman ang mga kilay ni Melinda sa naging bungad sa kanya ng anak.
"Sino? At a-anong alam?"
"Si babe ko.." he trailed and took a glance to Jonathan beside him. "Inamin ko na sa kanya ang totoo.. tungkol sa sakit ko."
Ngayon ay si Melinda naman ang natigilan. Magkahalong emosiyon ang kanyang nararamdaman. At hindi niya alam kung alin doon ang dapat niyang maramdaman. Nag-aalala siya dahil baka hindi matanggap ni Jonathan ang sakit ng kanyang anak at eventually ay malaman niya na lang na iniwan na nito ang kanyang anak. Pero masaya din siya dahil naging matapang na rin sa wakas ang anak niya niya upang harapin ang katotohanan. Kung talagang mahal ni Jonathan ang kanyang anak, handa nitong unawain at tanggapin ang sakit ng kanyang anak.
Hindi alam ang sasabihin na napatingin na lamang si Melinda sa nobyo ng kanyang anak.
"Jonathan.."
"Tita.."
Walang salita. Kundi sa isang mahigpit na yakap at ilang paghikbi nag-usap ang dalawa. Sobrang nagpapasalamat si Melinda sa Diyos dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan niya sa buhay ay napapakinggan pa rin pala ng Lord ang mga panalangin niya. At isa ito sa mga ipinalangin niya. Na balang araw ay makita ng kanyang anak ang taong tatanggap sa buong pagkatao niya. Ang taong mamahalin ang anak niya nang buong-buo sa kabila ng kundisyon nito..
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...