°°°30°°°
NAKATITIG LANG SI JONATHAN SA REBULTO ng Panginoong Jesu-kristo. Nasa loob sila ng sariling simbahan ng hospital, at nasa tabi niya si Melinda na nakaluhod at umiiyak habang nagdarasal. Kanina ay nagpasama sa kanya ang ina ng kanyang nobyo at hindi niya alam na dito pala ang punta nila. Naiwan si Chogel sa kuwarto upang bantayan ang Tito nito na natutulog pa rin.
Sa lahat ng mga mapapait na naranasan ni Jonathan, ay tuluyan nang nawala ang panlasa ng pananampalaya niya sa Diyos.
"Totoo ka po ba talaga?" Iyon ang palaging tanong ni Jonathan sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na kausapin ito. Patuloy pa rin niyang kinausap ang tiningnang rebulto habang nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. "Kasi kung totoo ka.. Bakit mo hinahayaang mahirapan ang mga taong nananampalataya sa kabutihan at kapangyarihan Mo?.. Bakit mo hinahayaan ang mga nananampalataya na mabigo sa mga ipinagdarasal nila Sa 'yo? Bakit laging may sakit at paghihirap? Pinaparusahan Mo ba kami? Kung gano'n.. Bakit? Galit Ka ba? Anong nagawa namin upang magalit Ka sa amin at pahirapan kaming lahat ng husto?"
Bumaba ang tingin niya, nang mapansing may iniaabot sa kanya si Melinda.
Tissue pala iyon. Hindi man lang niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.
Pilit ang kanyang ngiti na tinanggap niya iyon, at mabilis niyang pinatuyo ang nabasang pisngi.
Tumabi ng upo kay Jonathan si Melinda. Parehas nilang tinitingnan ang malaking rebulto sa kanilang harapan.
"Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan mo.. Pero kanina, habang pinagmamasdan kitang lumuluha.. Nakikita ko ang matinding galit at hinanakit sa iyong mga mata." Sa narinig ay napalingon si Jonathan sa kanyang katabi, ngunit hindi niya magawang makapagsalita. "Alam mo.. Lahat ng mga pinagdadaanan natin.. May dahilan kung bakit kailangang mangyari.. Kung bakit kailangan nating pagdaanan. Minsan hindi natin maunawaan, pero doon kasi masusukat ang tibay ng pananampalataya natin sa Kanya, na kahit gulong-gulo na tayo at hirap na hirap.. Ay patuloy pa rin tayong mananalig sa pagkilos niya, kahit pa hindi natin iyon nakikita. Anak, minsan may nabasa akong karatula, at ang nakasulat sa karatulang iyon ay 'Walk by faith, not by sight' Maraming taong hindi nakikita ang pagkilos ng Diyos sa kabilang buhay, kasi ang nagiging basehan lang ng pananampalataya nila ay pisikal na resulta. But if you open your heart.. Makikita mo ang mga bagay, na hindi nakikita ng iyong mga mata." Naramdaman ni Jonathan ang mainit na mga palad ni Melinda na nakahawak ng mahigpit sa kamay niya. "God is moving.. Magtiwala ka sa Kanya.."
Matapos ang heart-to-heart talk nilang iyon ay napagpasyahan na rin ni Melinda na bumalik na sila sa room. Gagamit pa sana sila ng elevator pero dahil medyo matagal pa bago bumaba ang elevator ay minabuti na lang nilang umakyat sa hagdan.
Papalapit pa lamang sila sa hagdan na kaharap ng elevator, ay napalingon sila sa ingay na papalapit. Kaya nakita nila ang ilang mga nurse na hinihila ang strecher na kinahihigaan ng duguang pasyente. Sa dulo ng pasilyong iyon ay naroon ang emergency room.
"Anong nangyari sa pasyente?" Narinig nilang tanong ng nurse na may dalang stethoscope.
"Nasagaan sa harap sa hospital.. Marami pang sugatan sa labas!"
Napakapit nang mahigpit si Melinda sa braso ni Jonathan nang dumaan sa harapan nila ang mga nurse na hila-hila sa strecher ang duguang babae. At ang babaeng iyon ay kamukha ni Maxine, kaya halos tumigil din sa paghinga si Jonathan.
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...