Chapter 19

35 2 0
                                    

°°°19°°°

NAILAYO NI JONATHAN ang kanyang kamay mula sa paghaplos sa pisngi ni Chogel, dahil sa biglang pagkislot nito, iniunat nito ang katawan dahilan kaya bahagyang umangat ang damit nito at lumabas ang ibabang bahagi ng tiyan ni Chogel na may isang linya ng maliliit na mga balahibo.. Doon napako ang paningin ni Jonathan, at muli ay binalot na naman siya nang damdaming hindi niya kayang pigilan. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya kaya naman ay hindi niya mapigilang mapalunok.

At tila ba'y nanadya ang tadhana na tuksuhin siya dahil muli na namang umunat si Chogel at sa pagkakataong ito ay wala sa sariling naipasok nito ang kamay sa loob ng short at may kinakamot itong kung ano dito. Kaya naman ay doon naman napadako ang mga mata ni Jonathan na puno nang pagnanasa. Umbok na umbok ito na para bang inuudyukan siyang hawakan iyon.

Ngunit nagtatalo ang kanyang isipan. Oo, nobyo niya na nga si Chogel, pero hindi ibig sabihin no'n ay may karapatan na siyang pagsamantalahan ito.

But... But..

Mas malakas ang pagnanasang sumasakop na ngayon sa buong sistema niya..

Maiintindihan naman niya ako kung bakit ko ito nagawa.. Katwiran pa ng isang bahagi ng kanyang isip.

Pinakiramdaman niya ang natutulog na si Chogel. Dinama ng palad niya ang dibdib nito at nang makasigurado siyang tulog-tulog pa rin ito sa pamamagitan ng kalmadong pagtibok ng puso nito, ay dahan-dahan niyang pinagapang paibaba ang kanyang makasalanang kamay. Nanginginig pa ang kamay niya pero hindi iyon naging hadlang upang tumigil siya sa kanyang ginagawa.

Kung tutuusin ay maaari at malaya naman siyang makipagniig dito kahit na kailan niya gusto. Alam niyang pagbibigyan siya nito. Ngunit iba ang excitement na nararamdaman niya sa ginagawa niyang ito..

Mas may trill..

Malakas ang kabog ng dibdib niya sa takot na magising si Chogel at mahuli siya nito sa ginagawa niya. Dinadama niya ang dahan-dahang paghaplos sa linya ng balahibo nito patungo sa maselang bahagi. Unti-unti niya ng isinisusoksok ang kamay sa loob ng short nito nang mapapitlag siya dahil sa narinig na pagkatok sa pinto kasunod ng isang pamilyar na boses.

"Chogel, Jonathan.."

Napakislot muli si Chogel kasabay ng pagpalatak ng dila nito, at hindi nakaligtas sa mga mata ni Jonathan ang pagngiti nito at dahil do'n ay naramdaman niya ang pag-init ng kanyang buong mukha, hindi niya na kailangan pang tumingin sa salamin upang makita na namumula siya sa kahihiyan, dahil from the very beginning ay alam pala nito ang ginagawa niya.

Pero bakit hindi siya gumising at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko sa kanya.

"Tuloy kayo 'Ma.." ang sagot ni Chogel sa ina na parang inaantok pa rin ang boses. Hanggang sa bumukas na nga ang pinto ngunit hindi pa rin nakakilos si Jonathan. "Oh, babe.. Nandito ka na pala.." Bumangon si Chogel at hinagkan sa ulo ang nobyo, at nakita iyon ni Melinda na kapapasok pa lang. Agad nitong inilapag ang mga bitbit nang may pag-aalala nang makita ang hitsura ni Jonathan.

"Oh, Jonathan.. What happened to you? Bakit namumula ka? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong pa nito.

"He's okay 'Ma, don't worry," si Chogel muli ang sumagot sa ina sabay kindat nito kay Jonathan.

"Hmm.." was just Melinda's expression. Her nostrails became wider like she's smell something fishy, but did not talk to. "Anyway, may mga pinamili pala ako. Ah.. Jonathan pwede mo ba akong tulungan sa pagluluto?"

Tumayo muna si Jonathan at alanganin ang ngiti nang humarap ito sa ina ng nobyo. "Ah.. Sige po, Tita."

"Buti naman Tita na ang tawag mo sa akin this time," biro pa ni Melinda habang nakataas ang kilay.

Take Me To ChurchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon