°°°10°°°
IT WAS A LONG silence, before Melinda began to speak. "Anak, mag-usap tayo sandali.." Saka ito tumingin kay Jonathan na mukhang hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla. "Hijo, pwede bang iwan mo muna kami dito ng anak ko?"
Tumayo naman si Jonathan at bahagyang yumukod bilang paggalang, bago siya nagsimulang maglakad at iniwan ang mag ina sa kusina. Kinuha niya ang iniwang bag sa sopa at dumiretso siya sa loob ng kuwarto ni Chogel. Napabuga siya ng hangin nang tuluyan niya ng naisarado ang pinto at ini-locked ito.
Nagtungo siya sa kama at mabilis na binuksan ang bag at kinuha niya roon ang baril na dinala niya, chineck niya rin ang magazine niyon upang masiguro niya kung may laman ngang bala iyon. Binilang niya ang mga balang naroon. Pinasada niya ang kanyang hintuturo sa mga bala, habang binibilang ito.
Pito...
May tumulong luha sa mga mata ni Jonathan, habang pinapangako sa sarili ang kanyang paghihiganti. "Sinira mo ang tiwala ko sa mga kristiyano. Dahil sa'yo nawala ang pananampalataya ko sa Diyos. Ikaw ang dahilan nang pagkawasak ng buhay ko. Kaya pinapangako ko.. Ako ang papatay sa'yo Ellene. Uubusin ko ang pitong balang ito sa katawan mo.."
SA KUSINA AY NARINIG ni Jonathan ang pagtatalo ng mag ina.
"'Ma, hindi masamang tao si Jonathan!"
"Paano ka nakasisiguro? Ngayon mo lang yata siya ipinakilala sa akin.."
"Mama mahal ko siya.. At kahit ano pang gawin mo ay walang magbabago sa nararamdaman ko para sa kanya."
"Nababaliw ka na ba?! Saka alam ba ng tita mo ang mga pinaggagawa mo dito sa bahay niya?! Kung hindi pa ako nagpunta dito ay hindi ko pa malalaman na may kinakasama ka na pala.."
"Sasabihin ko rin naman sa kanya 'to, e. At alam kong maiintindihan at pagkakatiwalaan niya pa rin ako, dahil hindi siya mapanghusga gaya mo."
"Hindi kita hinuhusgahan!" Hindi na napigilan ni Melinda na duruin ang anak. Hindi pa kailanman siya sinagot ng kanyang anak.. Ngayon lang. At alam niyang si Jonathan ang dahilan nang biglaang pagbabago nito. "Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Anong malay mo habang natutulog ka ay bigla ka niyang pagnakawan. Okay lang kung nakawan ka lang niya. E, paano kung patayin ka pa?!"
Sumasakit na ang ulo ni Jonathan, alam niyang wala ring saysay kung makikipagtalo pa siya dito dahil sarado ang isipan ng kanyang ina para unawain siya. Kaya napapikit na lang siya habang hinihilot ang sintido. Nang bahagyang kumalma ay itinuro niya ang pintuan.
"Umalis ka na muna 'ma.."
Nailagay ni Melinda ang mga kamay sa kanyang bewang. "At bakit ako ang pinapaalis mo? Si Jonathan, siya ang paalisin mo.."
"'Ma, please.. Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng sermon mo ngayon."
Lumapit si Melinda sa anak at itinulak ito. "Ganyan ka na ba kawalang respeto sa akin? Hindi ka naman ganyan dati, ah! 'Yan ba ang epekto ni Jonathan sa'yo? Ang maging bastos!"
"'Ma! Pwede ba, tumigil ka na at umalis ka na lang?! Kung gusto mong respetuhin kita, respetuhin mo rin ang mga desisyon ko sa buhay. Dahil matanda na ako 'ma. Kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.. Bakit ba hirap na hirap kayong tanggapin na ganito ako? Mula pa noong bata ako naging mabuting anak naman ako sa inyo, 'di ba? Noong nawalan ng trabaho ang asawa mo dahil sa sakit niya, sino ang sumuporta sa pag aaral ng anak niyo? 'Di ba ako? Sinuportahan ko halos lahat ng mga pangangailangan niyo kahit hindi ko naman iyon obligasyon. Pero bakit ngayon.. Kahit ngayon lang 'ma.. bakit hindi niyo ako masuportahan?!"
BINABASA MO ANG
Take Me To Church
RomanceA church boy became a slave of countless men in bed.. How did it happened? **** Alam ni Jonathan sa sarili na isa siyang bakla. Lalaki ang gusto niya. Pero pinili niyang itago iyon sa kanyang sarili upang makibagay sa mundo na kanyang kinagagalawan...