Kabanata 18

172 11 0
                                    


"Binibini, saan po kayo nanggaling? Ayos lang po ba kayo? Ako po ay labis na nag-aalala sainyo sapagkat mag dadapit hapon ay wala pa po kayo." Sunod sunod na tanong sa akin ni Clarita ng balikan ko siya kung saa kami huli nag kita kanina.

Napatingin ako sa kulay kahel na kalangitan at anumang oras ay lulubog na ang araw sa likod ng mga bundok ng Tierra de Oro.

"A-ayos lang ako Clarita..." Yun lang ang lumabasa sa bibig ko dahil parang lumilipad pa rin and utak ko sa kung saan.

"Binibini, sigurado po ba na kayo ay a-ayos lang po ba kayo? T-tila ay biyernes santo ang iyong itsura at may napakabigat na problema kayong dinadala." Tanong ni Clarita na punong puno ng pagtataka ang mukha.

Ganoon ba ka obvious ang expression ko?

Tanging ang tunog lang ng mga kuliglig at ang mga alitaptap ang nakapaligid sa amin sa ilalim ng kahel na kalangitan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin na nagpasyaw ng mahina sa mga puno. Walang ibang tao doon maliban sa amin sa talampas na yun at kung tutuusin, para kaming nasa isang painting kung titignan ng mabuti.

Doon ko lang napagtanto kung ano ba ang nangyayari.

OMG. 

Is he kissing me?!

Parang bumagal ang ikot ng mundo, if that was even possible, at parang naglaho ang lahat ng nasa aming paligid at kami lang ang naiwang doon ng ramdam na ramdam ko pa rin ang napakalambot niyang mga labi sa labi ko.

Para rin akong kinukuryente dahil sa milyong milyong boltahe na nararamdaman ko ngayon. Ang lakas din ng tibok ng puso ko na para bang gusto nanitng lumabas sa dibdib ko at natatakot akong baka marinig niya iyon, pero kahit ganoon pa man at blanko pa rin ang utak ko at ang tanging focus lang nito ay kung ano ba ang nangyayari ngayon.

Walang halong echos ang halik na yun, tanging mga labi niya lang sa labi ko, yung dalawang kamay niya ay hawak hawak ang pisngi ko na para ba itong isang mamahaling porcelain na kahit anong oras ay mababasag, habang kami dalawa ay nakapikit.

Oh teh, bakit ka nakapikit? Ine-enjoy mo rin ano?

Parang doon lang ako natauhan ng narinig ko na ang epal na bosesna yun sa likod ng utak ko.

Panira.

Hindi ko sinasadyang mapaatras ng kaunti at itinulak ng mahina si Gael. May dumaang gulat sa kanyang mga mata, siguro dahil sa ginawa ko, pero kaagad din siyang natauhan na para ang narealize niya kung ano ang ginawa niya.

"S-sorry."

"P-patawad."

Sabay kaming nagsalita na siyang kinagulat naming pareho.

"P-patawad binibini, s-saglit akong nawala ako sa aking huwisyo at hindi pinag isipan ng mabuti ang aking ginawa." Namumula ang kanyang mukha habang humihingi ng sorry na may kasamang paliwanag pa at iniyuko ang kanyang mukha sa huli.

Cute.

"H-ha?" Sa lahat na pwede kong sabihin ay bakit yun pa ang lumabas sa bunganga ko?

Para kang tanga diyan.

"Nag padala ako sa bugso ng aking damdamin at nagawa ko ulit ang isang bagay na hindi ko dapat ginawa. Sana ako ay iyong mapatawad binibini." Saad niya habang iniiangat ang kanyang mukha para tignan ako ng direcho sa mga mata.

Ayan nanaman ang nakaka hypnotize niyang mga titig. Para akong nalulunod sa mga mata niya at hindi ko magawang tumingin sa ibang bagay. Nababaliw na ata ako dahil kahit gustong gusto kong mag salita ay walang lumalabas sa bibig ko kung kaya't nakaawang lang ito ng konti.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon