Kabanata 21

395 10 7
                                    


"Isabelle..."

"Isabelle..."

Hindi ko mawari kung nasa isang kwarto ba ako na walang liwanag o baka may takip ang mga mata ko dahil sa dilim ay halos wala na akong makita. Pero naaninag ko ang suot ko.

Isang Traje de Boda.

P-parang nasuot ko na to nuon ah?

"Isabelle..."

Yung boses na yun. Parang narinig ko na rin dati pero hindi ko matandaan kung saan o sino ang nag mamayari ng boses na yun.

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko pero nanlaki ang mata ko ng hindi ko ito magalaw, para bang nakapako ako sa kinatatayuan ko.

Nagsisimula na akong mataranta ng may isang malakas na hangin ang nagmula sa kung saan na humapas sa buong katauhan ko at nagdala ng kilabot sa akin.

"Isabelle...iligtas mo ang iyong pamilya..." Saad ng kaparehong boses na hindi ko alam kung saan ba talaga nangggagaling.

Nagpalinga linga ako sa paligid ko, pilit na may makita sa kabuoan ng dilim.

"S-sino ka?!" Naglakas loob kong tinanong kung sino man ang kasama ko ngayon.

"Iligtas mo ang inyong pag-iibigan..." Patuloy na nagsalita ang boses na para bang wala itong narinig.

"Magpakita ka! Naasaan ako?!" Sigaw ko pero batid ko na puno ng takot at panginginig ang boses ko.

Pero kahit ganon ay nagsisimula na akong mainis dahil  sa situasyon ko.

Nananaginip ba ako? Gusto ko ng magising!

"Prosepina! Nasaan ka?!" Desperado na ako dahil pakiramdam ko ay may nakatago na kung ano o na kung sino sa dilim. Alam kong hindi ako mag-isa.

"At iligtas mo ang iyong sarili...iyan ang kailangan mong gawin."

Parang umiikot na ang buong paningin ko pero ang tuluyang nagpalubog sa puso ko ay ng may naramdaman akong isang malamig na bagay sa noo ko.

Isang baril.

"S-sino ka?" Hindi ko parin maigalaw ang buong katawan ko kahit gustuhin ko mang tumakbo sa kung saan at hindi ko alam kung saan ko pa nakuha ang lakas ng loob para tanungin yun.

Mamamatay na ba ako? Pero hindi pa ako nakakabalik sa panahon ko? Makakabalik  pa ba ako? P-paaano ang mga kapatid ko? Si Angel? Si kuya Andrew? Paano ang pamilya ng totoong Juliana, makakabalik pa ba siya? At si... at di Gael?

Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isipan ko pero ni isang kasagutan o paliwanag at wala akong maisip at mahanap.

"Sino ka? Ano ang gusto mo?!" Kahit natatakot man ay pinilit kong tangunin sa isang direchong boses ang taong nasa harap ko.

Natatabunan ang mukha niya ng nga anino ng kadikiman at ang tanging nakikita ko lang ay ang kamay niyang may hawak hawak na lumang rebolber.

"Adíos, Juliana." Ang huling sinabi niya bago kinalabit ang gantilyo na nagpakawala ng isang malakas na putok na umalingawngaw sa buong silid.

"Binibini! Ayos ka lang ba?"

Napaupo ako sa kinahihigaan ko, ramdam ko ang pawis na namumuo sa ulo ko at ang pamumutla ko.

Mamamatay ako.

"Juliana, ayos ka lang ba?" Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at agad akong nag angat ng tingin kay Prosepina na nakaupo sa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon