Tuloy parin ang pagsigaw ko nang napakalakas dahil sa babaeng nasa harapan ko.Jusmiyo mamatay na ba ako?
O baka naman patay na ako.
Dahil kung ganon ay ito na ang sundo ko. Huhuhu. Bakit kamukha pa ni valak? Naging masama ba ako? Bakit hindi man lang naging gwapo yung grim reaper ko? Huhuhuhu.
Question pa ba yan? Duh.
"Aswang! Aswang! Tulong po!" Bigla kong sigaw nang napakalakas habang yung multo ay nakatayo parin sa harapan kong nakaktingin nang masama.
Mas lalo pa akong napasigaw nang malakas nang binigyan niya ako nang masamang tingin. Naku! Mukhang ginalit ko ata siya.
"Diyos ko po, Juliana tumayo ka diyan!" Natatarantang sambit ni Prosepina.
Sa totoo lang para akong tangang bata na nakadapa roon, na paulit ulit na sumisigaw dahil inagawan nang lolipop, pero hindi ko yun initindi at patuloy sa pagsigaw.
May mga ibang estudyante narin sa paligid ang napalingon sa amin. Mukhang mas lalong napahiya si Prosepina sa pinagagagawa ko, pero wala akong pake.
Wala na, finish na eh.
"Mamamamatay na ako! Aswang---!"
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang sapilitan na akong pinatayo ni Prosepina na bahagyang may nahihiya at nangangamba na mukha.
Ouch! Ang harsh naman niya! Kung sino pa ang mahinhin siya pa yung---! Hmp!
"Mag hunos dili ka nga Juliana! Nasa pampublikong lugar tayo."
"Wala akong pake! Hindi mo ba nakikita?! Sinusundo na ako nang kamatayan!" Pagpupumiglas ko.
"Diyos ko, Santa Maria, tulungan niyo po ang batang ito. Ano ba ang pinagsaaabi mo?! Ititgil mo na iyang kahibangan mo, hindi na nakakatuwa."
Sa puntong ito ay nagtatalo na kaming dalwa ang pinagkaiba lang ay sumisigaw na ako at si Prosepina ay nanatiling mahina ang boses.
Maria Clara ang peg?
Yung matandang aswang ay nakatayo parin sa harapan namin at patuloy na binibigyan lang kaming nang napakasamang tingin.
"irreverente!" (Walang galang!)
Doon lamang ako napatigil sa pakikipagtalo nang sumigaw na ang matanda. Hindi naman ako na nosebleed dahil agad naman naprocess nang utak ko ang sinabi niya.
Aba! Sino ang tinatawag niyang walang galang?! Syempre hindi ako yun noh!
"Naku! Pagpasensyahan niyo na pa itong kaibigan ko Madre Martina, may pinagdadaaan lang po siya ngayon." Pagrason ni Prosepina sa matanda na sa pagkakarinig ko ay Madre Martina ang pangalan.
So madre pala ang matandang to? No wonder kamukha niya si Valak.
Sama mo.
Balot na balot ang buot katawan nito nang puti at itim na tela mula ulo hanggang paa. Obvious rin ang katandaan nito sa kanyang mukha dahil sa mga linya sa kanyang noo at ilalim nang mata niya, siguro ay nasa mid sixties na siya.
"Wala ka bang natutuhan sa mga itinuro nang ibang madre dito, Binbining Juliana? Hindi ka rin ba tinuruan nang mabuting asal nang iyong mga magulang, dahil kung ako sa kanila ikinahihiya ko ang ganitong klaseng pag-uugali. ¡Qué desgracia!" (Such a disgrace!)
Kalmado ang mukha niya pero puno nang pagkairita ang mata niya habang pinagsasabihan niya ako.
Bakit kasalanan ko ba na naglalakad siya dito na nagmumukhang matandang mambabarang? Hindi ba rin siya tinuruan nang kanyang magulang mag ayos ayos?
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...