"Ako si Juan Lucas Gael Anastacio y Antonio ikinagagalak kitang makilala binbining?"
Ang haba naman nang pangalan, besides sa Lucas, Gael at Anastacio nga lang ang natandaan ko sa pangalan niya eh dahil sa kahabaan na abot hanggan Makati.
Hindi ba pwedeng nickname na lang? Kawawa siguro to pag nag e-exam noh? Ocuppied ang buong papel.
Pero sa kahabaan nang pangalan niya, feeling ko ay lumitaw ang 'Gael' sa pandinig ko dahilan para mapa bumilis ang tibok ng puso ko. Weird. Saan ko nga ba iyon na rinig?
"Ikaw naman?"
Shoot.
Hindi ko alam ang buong pangalan ni Juliana! Anak nang palaka!
"J-juliana Rodriguez of course." Awkward kong sagot sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin, ay ano ang iyong buong pangalan, binibini."
Ano ang isasagot ko? Langya naman si Prosepina, di man lang ako kinwentuhan tunkol sa buhay ni Juliana.
Eh kung hindi puro Lucas ang bukang bibig mo edi sana may alam ka ngayon.
"A-ah ang haba kasi nang pangalan ko kung kaya't Juliana na lang baka ma nosebleed ka pa."
Parang hindi pa siya naniniwala, mukhang natatawa pa nga siya eh sa pinag gagawa ko.
"Yung sayo nga eh Lucas at Gael lang ang natatandaan ko kaya patas lang." Sumbat ko pa para lang maniwala siya.
Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko o may nakain ba ang mokong ito dahil mas lalo niya akong pinagtatawanan.
"May nakakatuwa ba Mister Gael?" Panukso ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit Gael ang nasabi ko instead of Lucas. Parang natural at pamilyar lang sa akin ang pangalan kung kaya siguro yun ang nasabi ko.
"Wala naman, tila ako'y natutuwa sa iyo binbining Isabel."
Nanandya talaga ang lalaking ito, o baka gusto niyang ma meet nang maaga si Lord.
Sinamaan ko siya nang tingin bago magsalita ulit.
"Nanandya ka ba?" Pag akusa ko sa kanya na mas lalong ikinatuwa niya pa.
Nababaliw na siguro to ah! Sira ulo!
"Gael ang tinawag mo sa akin kung kaya't mabuti lang na piliin ko rin kung ano ang itatawag ko sa iyo, binbining Isabel. Patas lang."
Touché
Ughh!!!
Never in my 18 years of existence, ako naka encounter nang ganitong ka kulit na tao. Nakaka gigil! Nakaka asar! Nakaka init ng ulo!
Pero hindi ko iyon pinakita at nanatiling kalma. Baka makulong pa ako kung mapatay ko ang mokong to.
"Sa kagandahan nang pangalan ko, Isabelle pa talaga ang gusto mo?" May halong inis kong pagkasabi sa kanya.
Okay that was a lie. Mas maganda naman talaga ang 'Isabelle' kaysa sa 'Juliana'. Masyadong makaluma. Not my style.
"Huwag mong mamasamain binibini, ngunit sa tingin ko naman ay mas bagay sa iyo ang 'Isabel'. Masyadong pormal ang 'Juliana'."
I know right. Finally someone feels me.
Pero naiinis parin ako dahil ang consistent niya na tawagin akong 'Isabelle'.
Laki rin kasi nang bunganga ko eh. Kung hindi lang sana ako nagpakilala edi sana wala akong problema.
Pasalamat ka, gwapo ang problema mo.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...