"Nandito ka lang pala binibining Juliana."Natigilan ako bigla ng narealize ko kung sino yung nagsalita.
Si Mateo.
Tinignan ko si Gael at nakita kong puno ng confusion at pagtataka ang nakasulat sa mukha niya.
Para akong naistatuwa sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang tignan si Mateo. Pakiramdam ko ay para akong batang nahuli ng kanyang maga magulang.
"Binibining Juliana?" Rinig kong nagsalita siya ulit.
Kahit labag man sa kagustuhan ko ay pinilit ko paring humarap sa kanya.
Nakasuot siya ng mukhang mamahaling black na tux pero aaminin kong mas gwapo at carismatic parin si Gael.
"M-mateo, nandito ka na?"
Parang mas naging tanong iyon kesa sa statement. Ugh, facepalm.
"Medyo nahuli nga ako, ngunit mabuti nalang at nakahabol pa ako." Nakangiti niyang bangit sa akin.
Hindi ko paring magawang makapag salita siguro dahil narin sa kaba at takot.
"At sino naman ang ginoong ito?" Dag dag niya na punong puno ng pagtataka sa kaniyang boses.
Shoot! Ano ngayon ang isasagot ko?
Argh! Bakit ang daya ng tadhana dito, parang gusto pa akong ipahamak ah.
"A-ah...a-ano kasi...uhmm..." Nauutal parin ako at pinipilit hanapin ang tamang mga salita na isasagot ko sa kanya, pero walang pumapasok sa utak ko eh.
Nag lo-loding pa yung pag iisip ko ng nag decide si Gael na sumagot kay Mateo.
"Ako nga pala si Juan Luca----"
Kaagad naman namilog ang mga mata ko at hindi siya pinatapos mag salita.
"A-ah w-wala nag tatanong lang siya ng direksyon--Oo! Tama! Hehehehe. Hindi ba Gae-- ah este Ginoo?"
Nilingon ko ulit si Gael at hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, may pinaghalong pagka gulat at....sakit? Sa mga mata niya.
Hindi ko nalang ito pinansin at sinenyasan siya para makisabay sa plano ko, napalitan naman ng pagkalito ang nakasulat sa mukha niya.
Pero hindi siya nakapag salita siguro dahil alam kong nalilito siya sa kabaliwang ginagawa ko ngayon. Hindi ko naman siya masisisi.
"Ganoon ba? Oh sha halika na at sasamahan kita sa loob, baka hinahanap ka na ng iyong ama." Muling nag salita si Mateo.
Oo nga! Nakalimutan ko si ama! Baka pagalitan nanaman ako nun at mag beast mode.
"A-ah oo tama ka nga hehehe."
"Perdón Señor." (Pardon us sir.)Wika ni Mateo kay Gael.
Ibinaling naman ulit ni Mateo sa akin at sabay abot ng right arm niya. Tinignan ko muna ito ng ilang segundo bago naagtanto kung ano ang ginagawa niya at kinuha rin ito.
Naramdaman kong tumayo ang balahibo sa leeg ko ng napagtanto ko ng dahil iyon sa mainit na tingin na binibagay ni Gael sa direksyon namin.
Problema niya?
Tumango nalang siya at nginitian kami, pero ang kakaiba lang ay hindi abot hanggang mga mata ang ngiti na yun.
Dahan dahan kaming naglakad at bumalik sa loob ng 'party'. Hindi ko na nilingon si Gael dahil baka mas lalong dumagdag ang kirot sa puso ko.
-------
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito sa bahay ng gobernador pero pakiramdam ko talaga ay aabot kami ng taon dito kahit na siguro ay mag dadalawang oras palang mag mula ng nag simula ang selebrasyon. Inip na inip na talaga ako dito.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...