Hindi ko ma alis ang mata ko sa kanila habang nakangiti silang pumasok sa loob ng shop.Gusto kong umiwas ng tingin pero parang naka dikit lang ang mga mata ko sa kanila, sa kanya to be specific.
Parang shonga shonga rin si girl kung maka tawa, akala mo nanalo na siya ng lotto at kung makakapit sa braso ay parang linta.
Itong si Gael naman ay napaka oblivious sa paligid niya. Madapa kayo sana!
Teka nga lang.
Wait. Wait. Wait.
...parang namumukaan ko ang babae.
Parang...
Parang...
Siya yung babae sa daungan noong hinatid ako nina don Marcelo.
Oo tama! Siya nga yun! Same girl na parang linta kung maka kapit sa kanya. Che!
May pa surprise surprise pa siyang nalalaman, hah!
Teka nga, teka nga, bakit ba ako affected? Sino ba siya sa akin? Kasi as far as I know wala akong nararamdaman para sa kanya! Ha, akala niya ha. For all I care kung girlfriend niya nga yun.
Indenial ka pa. Sus.
Parang bumagal ang mga nasa paligid ko ng iniangat niya ang mukha niya at nag tama ang mga mata namin.
Pagka gulat, surprise, at------saya? Ang mga nakita ko sa mukha niya.
Pero, bakit?
Nagtinginan lang kami doon nang iilang segundo siguro ng napansin na siguro ng nang girlfriend niya na may tinitignan siya.
Sinundan niya ang line of sight ni Gael at boom!
Pero imbes na mainis siya ay para pa siyang...natuwa? What? Just why? Nalilito na ako.
May binulong pa nga siya kay Gael na mas lalong ikinalaki ng ngiti niya.
Bina-back stab ba nila ako? Mukha bang nakakatawa ang mukha ko? Clown ba ako sa kanila?
"Juliana?" Napalingon ako ng tuluyan kay ate Teodora na nakatingin lang sa akin ng may pag dududa.
"A-ah...k-kasi..." hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong sabihin. Parang nawala bigla ng laman ang utak ko.
"May probema ba kapatid?" Nag-aalala niyang tanong.
Hindi na ako nag abala pang mag salita ulit dahil baka magka buhol buhol naman ang mga lalalabas sa bibig ko.
Pero may isang pwersa ang nag udyok sa akin para lingnin ulit si Gael, at doon nakita kong nakangiti parin siya pero hindi na abot mata.
Siguro napansin rin ni ate Teodora at parang na alarma na siya.
"Halika na Juliana, ipapahatid nalang natin sa bahay ang mga damit." Pagmamadali niya.
Pero parang ayaw sumunod ng katawan ko at nanatiling nakapako ang mga paa ko sa lupa.
"A-ate...." mahina kong sambit.
Honestly, bakit di nalang ako sumunod?
"Wag ng matigas ang ulo Juliana, halika na at baka hanapin tayo ni Ama." Pag iinsist niya pa.
Duh nasa rancho nga sila diba? Nakakainis naman.
"Juliana!"
Napalingon naman ako sa kanya at nakita na gustong gusto niya nang umalis.
Nang hindi pa ako gumalaw ay pwersahan niya akong kinaladkad papalabas ng establishment.
Parang lahat nalamang ng tao dito ay kinakaladkad ako kung saan saan. Nakaka bwisit na ha.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...