Kabanata 2

3.4K 94 6
                                    

"Anak ikaw ba ay ayos lang? Namumutla ka ata." Sabi nang katabi kong babaeng hawak hawak ang bisig ko. Nakasuot rin siya nang puting baro't saya habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin na may katabi akong lalaki na siguro na sa thirty plus palamang, naksuot rin siya nang barong tagalog.

Anong kalokohan ito?!

Nang dahil sa takot ay agad naman akong napasigaw nang napakalakas.

"AAAHHHHHHHH!!!"

Sa palagay ko nabibingi na ang lahat dahil sa sigaw ko, kitang kita ko rin na napatakip yung iba sa kanikanilang mga tenga habang yung iba binibigyan lang ako nang weird looks pero hindi ko sila pinansin dahil patuloy parin ako sa pagsigaw nang kinalabit na ako nang katabi ko.

"Anak ano ang nangyayari sa iyo? Huminahon ka." Nag alalang sabi nang katabi kong babae. Maputi sya at matangos ang ilong. Brown ang mga mata nito at maninipis ang bibig. Yung buhok niya naman ay nakatali sa likod ng ulo niya in a tight bun.

Patay na ba ako? Dahil kung patay na ako ibig sabihin mga kaluluwa na ang kasama ko?! O M G. Ahhhhh!!! Mukhang hindi naman to impyerno dahil na sa simbahan ako, unless nagsisimba rin ang mga masasamang kaluluwa at mukhang hindi naman ito langit dahil iba ang mga suot nila, unless old fashion ang mga tao dito.

Napaatras ako nang hahawakan niya sana ang magkabilang balikat ko. "Wag mo akong hawakan, stay where you are!" Nabigla naman ang babae at napaatras rin sa gulat.

"Anak! Ano ba ang nangyayari sayo?!" Tanong naman lalaki na sa palagay ko ay ang kanyang asawa.

Namamalik mata na ata ako. Pinikit ko nang mahigpit ang mga mata ko at binuksan ito ulit.

Hindi nga ako namamalikmata pero ang pinagtataka ko ay yung lalaki nakatayo sa harapan ko ay sobrang kahawig ni dad! Patay narin ba si Dad? Parusa ko ba to dahil hindi ako naging masunuring anak?

Pero imposibleng patay si dad dahil sa pagkakatanda ko, ako lang ang muntik mabanga nang kabayo at tsaka mukhang buhay na buhay naman ang mukha ni dad. Naka suot pa nga siya nang black pants at puting barong. Yung buhok niya naman ay naka suklay in one side pansin ko rin na mas maputi siya at mas evident ang brown niyang mga mata.

"Dad?! Nasaan tayo? What are we doing here?! Bring me home!" Sunod sunod kong utos sa kanya. Pero parang wala syang naintindihan sa mga sinabi ko. Tinignan niya lang ako na parang ako'y baliw.

"Juliana! Ano ba ang pinagsasabi mo?! Ikaw ba ay nawawala na sa tamang pagiisp?" Pag tanong niya sa akin. Makikita mo sa mukha na ang dissapointement at pagka irita.

Teka nga teka nga. Ako ba ang tinatawag niya? J-Juliana? Who the heck is Juliana?! Eh parang mas sira ang mga taong ito eh.

(*pronounced as Huliana*)

Nagsimula nang mag bulungan ang mga tao sa loob nang simbahan habang nakaukit sa mga mukha nila ang pagkalito. Aba kung nailito sila edi mas nalilito ako noh!

Nagsimula naring umiyak ang babaeng nasa harapan ko habang kinocomfort siya nang doppleganger ni dad. Nanginginig narin ang mga kamay ko nang dahil sa takot, feeling ko magkaka nervous breakdown na ako any moment. Wag naman sana.

Napa tingin ako sa may harapan sa bandang altar at nakita ko na may isang matabang lalaki na medyo may kaedaran na, maputi at manipis na ang kanynag buhok pero you can still tell na may lahi eto, spanish maybe?  Katabi niya ay isang lalaki na kamukhang kamukha nang matanda pero mas bata lang, mga around 22 or 23 makikita mo ang pagaalala sa kanyang mukha at tulad nang iba nakasuot rin ito nang puting barong.

Naglakad mula sa harapan ang matandang lalaki papunta sa tabi ni doppleganger dad suot niya rin ang  makalumang barong na medyo masikip sa kanya dahil nga may katabaan ito.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon