Anak ng!
Pag minamalas ka pa naman oh! May malaking galit talaga si dear destiny sa akin o baka gusto niya lang akong magdusa sa panahon na nandito ako.
Bakit ba kasi siya nandito? Akala ko ay isang kaaway ang kanyang angkan at kailangang lunayo sila at all times? Anong nangyari sa prinsipyo na yun?
Hay naku!
Nasa di kalayuan siyang nakatayo, suot suot ang bagong tux niya pero ang pinagkaiba ay may mga siguro apat na medalyonang nakasabit sa magkabilang banda ng kwelyo niya. Ang nasa tabi niya naman ay ang kaparehong babae na palagi niyang kasama na naka suot naman ng dilaw na baro't saya.
Mabuti nalang at abala sila sa paguusap at pagtawanan ang isa't isa kaya hindi nila ako nakita. Hmp! Nasa publiko eh ang haharot naman.
Baka nag seselos ka lang.
Rinig kong may bumulong sa pinakadulong bahagi ng utak ko.
Hah! As if! Ako? The Maria Isabelle? Mag seselos? Never in a million years. Kaya kung maghaharutan sila buong gabi ay wala akong pakealam!
"Juliana..."
Napabalik ako sa realidad ng bigla naman akong tinawag ni ate Teodora.
"Halika na at baka nag hihintay na sina ama."
Hindi na ako nag salita ulit at ibinaling ang tingin ko mula kay Gael na ngayo'y nakatingin na sa direction ko.
Shoot!
Agad naman akong sumunod kay ate Teodora papsok sa malaking mansyon at umastang hindi niya ako nakita.
Baka kung hindi ako magpapakita sa daanan niya buong gabi baka magiging smooth lang ang party na to.
Pero bakit nga ba siya nandito?
-------
"Anak! Hali ka rito." Rinig kong tawag sa akin ni Don Marcelo habang kinakausap niya ang Gobernador Alonso.
Ugh.
So far ay ang boring ng party na to, ibang iba sa nakasanayan ko sa future. Imbes na malalakas na music ang nanggagaling sa speakers ay my live band na tumutogtog...well hindi naman talaga banda kasi violin, cello at piano lang naman ang meron para mag bigay ng musika sa mga bisita. In fairness, magaling sila.
Wala rin masyadong tao sa labas, dahil halos lahat ng bisita ay nasa loob lang na panay usapan habang ang mga ibang kalalakihan naman ay nag yo-yosi sa balkonahe ng bahay. Kahit nga ang usual na catering services ay wala eh at puros homemade ang mga pagkain, pero mukang masasarap naman.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Don Marcelo na ngayon ay tinatwag ako mula sa pagkakaupo ko sa isang sulok.
"Ano po yun ama?" Naiinip kong tanong kay Don Marcelo ng makarating ako sa kinaroroonan niya.
"Bakit hindi mo samahan ang iyong mga kapatid doon kasama ang iba niyang kaibigan?" Nagtataka niyang tanong.
Oo nga pala. Hindi na ako nag abalang sumama at makipag usap doon sa mga kaibigan nina ate Teodora at ate Luisita, baka ma op lang ako doon. Wala naman din akong ibang magagawa dahil sina kuya Rogelio at Jacinto ay kasama rin ang iba nilang kaklase noon habang si ina naman ay nakikipag usap rin kay Donya Alonso, kaya nagpasya nalang akong maupo sa isang sulok habang inoobserbahan ang lahat.
"Ayos lang ama, mas gusto ko nalang maupo at mapagisa." Wika ko.
"Ikaw ba ay ayos lang Juliana?" Seryoso niyang tanong.
"Naku! Baka ibang tao ang nais niyang makausap at makasama amigo." Natatawang sambit ng Gobernador.
Parang gusto kong batukan ang Gobernador na hanggang ngayon ay panay paring tumatawa. Ina assume niya ba na gusto kong makasama ang weirdo niyang anak? Excuse me no!
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...